Kc's POV
"KCCCCCC!!!" Sigaw ni mama sa labas. Aish! Ano bayan! Nagbabasa pako eh!
"Saglit lang ma! Isang chapter nalang!" Sigaw ko sa kanya tsaka nagpatuloy sa pagbabasa.
"Bwisit ka! Kanina pa yang isa isang chapter mo! Pag dika tumayo diyan babasagin ko phone mo!" Dali dali akong tumayo kasi siyempre ayoko namang basagin ni mama yung phone ko dahil mahal na mahal ko'to
"Ito na! Bakit!?" Irita kong sabi ni mama sakin.
"Maghugas ka ng plato. Wala ka ng nagagawa sa buhay mo. Puro ka basa basa mamaya bulag ka na. Tsaka tignan mo nga sarili mo. Para kang zombie na walang buto. Kumilos ka rin dito hindi yung nakahilata ka lang" Umirap ako sa hangin ng nangsermon nanaman si mama. Para naman! May nagagawa kaya ako!
Padabog akong pumunta sa lababo at hinugasan ang tambak na mga huhugasin.
Walang nagagawa samantalang nakatunganga lang sila kuya. ROS ng ROS eh hindi nga kumikilos. Tsk sarap pabugbog kay maxpein eh!
Natapos ako sa paghuhugas ng pinggan at dumiretso agad sa kwarto. Humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko tsaka pinagpatuloy ang pagbabasa.
Well, binabasa ko ngayon yung Every beasts needs a beauty by jonaxx. Nakahiga ako sa kama at tutok na tutok sa phone ko. Nasa time nako na malapit na matapos at ilang page nalang ay ending na. Tutok na tutok ako sa phone ko na kulang nalang lamunin na ng mata ko. Nakatalukbong ako ng kumot at pinipigilang tumili dahil anong oras narin. Siyempre ending na kaya naman natapos ko na ito agad. Nagmuni muni ako ng kaunti. Hmm, may ganon pa kayang lalaki? Pano kaya pumunta sa wattpad world? Sana totoo yun! Kasi kung totoo man yun? Pupunta agad ako kahit walang pamasahe.
Tinignan ko yung orasan na nasa tabi ko at nagulat. Shit! 1:13 na!? Dali dali kong pinikit ang mata ko dahil may pasok pako mamaya!
. . . . . . . .
Kring~~ kring~~~
Kinginang alarm yan! Pinatay ko ang alarm ko at tinignan ang oras. Bigla akong nagisingan ng makitang malapit nakong malate!
Nagmamadali akong kumilos at halos magkandaugaga kakatakbo. Si mama naman sinesermonan ako kasi nga daw puyat nanaman ako na nakita daw niya ako ng madaling araw gising. Hinayaan ko na pag sesermon ni mama at umalis ako ng bahay ng walang kinakain kahit butil ng kanina! Kainis.
Nang nasa tapat nako ng mapeh building ay pumasok nako sa room. Nakita kong wala pang guro kaya bumuntong hininga ako at umupo.
Public ang school na pinapasukan ko at nasa grade 8 nako. Ang school namin ay merong ibat ibang estado ng section. May mga special section at regular. Sa special section ay meron SSC- Science. SPA- Special Program In The Arts. At regular section na ang iba. Nabibilang ako sa SPA kung saan may ibat ibang Specialization or talents. Mayroong Visual Arts sa drawing
Music na merong intrument at vocal, Media Arts photography, Creative writing at Dance.Kung idedescribe ko naman ang sarili ko. Ahm hindi ko masasabing maganda at perpekto ako pero tama lang pag mumukha ko.
Nang maya maya pang pagmumuni ko ay pumasok naang teacher namin sa music. Yup! Music ang kinuha ko. Instrument namin ngayon at banduria ang tinutugtog ko. Sa mga di nakakaalam ng banduria well, isearch niyo nalang.
"Good morning class" sabi ni maam. At nag good morning din kami.
Binigyan kami ng piyesa ng gurk namin at tinuruan kamk kungpano yun tugtugin at kami na ang nagpractice.
Natapos ang isang oras at vocal naman ang subject namin. Gaya sa instrument binigyan kami ng piyesa at kami na ang nagpractice. Sa buong araw ay gaya ng isang estudyante ay ganon lang din ang ginawa namin. Nag aral at kung ano ano pa.
Umuwi ako sa bahay at nag online ng biglang nakatanggap ako ng MGA mensahe.
HIT THE VOTE THERE BABY *WINK*