Kc's POV
"Woy, bat ka nanaman tulala?" Sabi ng kaibigan kong si Pearl. Wattpader din ang isang to kaya nagkakaintindihan kami. Agawan ng asawa at marami pang iba.
"Wala" Pabulong kong sabi.
"An-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng tumunog ang bell. Hudyat na recess na.
Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Nilagay ko sa tenga ang headset ko at lumakad na patungo sa canteen. Naramdaman kong sumunod sakin ang apat kong kaibigan at inakbayan ako ni trista. Isa sa mga kaibigan ko.
"Anong kakainin niyo?" Tanong ni christel na kaibigan ko rin. Narinig ko sila dahil tinanggal ko na headset ko.
"Waffle sakin. Kayo?" Sabi ko sa kanila. Agad naman silang tumango at yun nalang din daw sa kanila.
Habang naglalakad kami patungong canteen ay naunang naglakad sila trista at christel at kristine habang nasa tabi ko naman si Pearl.
"May problema ka ba? Sino pala yung nagmessage sa iyo kagabi?" Bumuntong hininga ako at nagkwento.
"Pagbukas ko ng messenger ko may apat na lalaking nagmessage sakin. Dito nag aaral at kasing edad natin. Nag message sila ng 'HI' at sineen ko lang. Sa facebook naman nagfloodlike si Nero. Yung Nero Cornetto na nasa first section." Mahabang sabi ko sa kanya. Nangunot ang noo niya at parang sinusuri ang reaksiyon ko base sa kwinento ko.
"Yun lang? Yun na yung problema mo? Haha! Baliw ka talaga. Parang yun lang" Ngumuso ako sa sinabi niya.
"Anong 'PARANG YUN LANG?' Eh putek! Ayoko ng ganon. Allergic ako sa mga ganyan at ayoko talaga ng ganyan! Tsaka ayoko ng may nagchachat sakin! Gusto ko makikilala ko muna sa personal or asarin man ako or bad boy or bullier! " Paliwanag ko sa kanya at narinig ko siyang himalakhak
"Ulol! Sa wattpad lang yan" Iiling iling siyang kumuha ng waffles ng nasa canteen na kami at bumili na rin ako.
Alam ko namang hindi sila totoo eh. Alam ko yun. Alam kong sa wattpad lang ang magagandang lalaki at kwentong ganun. Sa wattpad lang may forever at hindi sa mundong kinagagalawan ko. Masiyado na ata akong umaasa sa mgalalaking tulad nila Rage, Ace, Jeydon, Deib, Zeke, etc. Masiyado na ata akong umaasa na pati mga ibang tao nadadamay ko. Pero ayos lang yun! Wala naman akong ginagawang masama ah?
Pagtapos naming kumain ay dumeretso na kami sa English Building kung saan English ang next subject ko. Di naman masiyadong obvious no?
Umupo na kami at habang hindi pa tapos kumain ang mga kaklase ko ay binuksan ko muna ang phone ko at nagwattpad. Naghanap ako ng librong mababasa dahil tapos ko na nga yung Every Beasts Needs A Beauty. Nag iiscroll down lang ako ng wala akong mahanap dahil tapos ko na lahat kaya naisipan kong magdownload nalang mamaya.
"Good Afternoon Class" Sabi ni maam. Mayroon siyang katabing isang babae na sa pagkakaalam ko ay isang practice teacher.
"Ipapakilala ko muna sa inyo si Maam Nicole. Siya yung practice teacher niyo this. 4th Grading alam kong nagtataka kayo pero late kasi sila." Sabi ni maam. Agad naman kaming nginitian ni Maam Nicole.
Yung face niya mukhang masungit pero feeling ko naman mabait siya kaya walang dapat ipag alala.
Umupo kaming lahat matapos ang pagpapakilala ni Maam kay Maam Nicole.
"For this day ako muna magtuturo sa inyo at bukas ay si Maam Nicole. Kailangan niya muna akong tignan, panoorin." Sabi ni maam.
"Yes maam!" Sagot naman namin kay maam. Hayys 4th grading na kami at excited nakong mag bakasiyon ng makapagpahinga naman ako sa mundo.
Natapos nanaman ang isang araw at puro aral lang ginawa namin. Malamang paaralan to eh. Nagpaalam na kami ng mga kaibigan ko at umuwi na ako.
Nadatnan kong nakahilata ang mga tao sa bahay kaya pumasok nako sa kwarto ko at nagdownload ng mga libro. Diniwnload ko na lahat ng libro ng mga sikat na alam kong author para dina ako maubusan ng babasahin.
Habang nag aantay ng librong dinadownload ko ay nagfacebook muna ako. Puno nanaman ang notification ko naikinagulat ko dahil hindi naman ganto karami ang nagiging notification ko.
Tinignan ko yun at napabuntong hininga nalang ng isang NERO CORNETTO lang ang nakita kong pangalan. Ano ba problema neto? Nilike niya lahat ng shinare ko at nakakairita yun dahil hindi na niya kailangan pang ilike yun.
Nag scroll scroll nalang ako sa facebook ng hindi namalayang 10 na pala ng gabi. Ni hindi man lang ako kumakain. Wala rin naman kaming pasok bukas kaya magpupuyat nalang ako. Bago ako lumabas ng kwarto para kumain ay nag My Day muna ako. 'BORED' sabi ko at pumunra na sa kitchen. Tulog na silang lahat kaya ako nalang mag isa kakain. Siguro kumain na sila.
Natapos akong kumain at bumalik na ulit sa kwarto ko. Nakitang kong may message sa akin at tinignan ko agad
: NERO CORNETTO IS WAVING AT YOU!
Nag wave back lang ako sa kanya at nagwave nanaman siya at nagwave back ako at nagwave back ulit.
Me: Ang boring-SFC
Tsk. Sinabi ko na yan dahil kingina hindi yan titigil kakawave!
Siya: Hahaha, kaya nga eh!"
Sineen ko nalang ang message niya at nagwattpad nalang. Mukhang trip kong basahin yung Baka Sakali kaya yun na ang inuna ko. Nang matatapos ko na ang Chapter 1 ay may nagmessage nanaman sakin.
Nero:
Pwede ba ako makipagkaibigan?
Hayys. Hindi kami close at makikipagkaibigan siya sa chat? Wth!? Sorry but I prefer sa personal.
Tinurn off ko ang cellphone ko at hindi na siya pinansin pa. Natulog ako ng mahimbing at pinabayaan na yun.