3: strange

1.1K 54 74
                                    

THIRD PERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON

Maingay, magulo, puno ng malalaswang gawain ang arena ng Rancor City. Mero'n ka ring makikitang nagpapatayan na sa itaas ng ring pero walang pumipigil dito.

Para sa mga tao dito ay normal lang na senaryo ang mga ito. Mga halang ang kaluluwa ng mga tao dito.

May labing anim na grupo ang narito na may apat na miyembro. Nagsilabasan na nga ang mga ito sa labing anim na pinto na nakapalibot sa ibabang bahagi ng arena. May numerong nakalagay sa itaas ng mga pinto at ang napunta sa magkakapatid ay ang numerong 7.

Pabilog ang arena at may parisukat na stage sa gitna. Mero'n itong harang na bakal na may pa diyamante ang butas at kitang-kita ang kuryenteng pumapalibot dito.

Sa isang banda, naroon ang grupo ni Autumn na bored na bored ang mga itsura nila. Para bang wala sila sa loob ng Arena para sa tournament. Lahat sila ay pa-easy-easy lang.

Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang tumunog ang telepono ni Autumn kaya agad niya nitong sinagot.

"Hmm?" Walang ganang bungad ni Autumn sa tumawag. Ni hindi niya nga tiningnan ang caller.

{"Anak may nangyari kasi kay Tracey,"} isang boses ng pag-aalala ang binungad sa kanya ng caller.

Biglang napatayo si Autumn na siyang ikinagulat ng tatlo. Rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Autumn ng narinig ang Pangalan ng anak na si Tracey.

"What happen to my baby?" Puno ng emosyong tanong ni Autumn. Kitang-kita sa mukha niya na malapit ng bumagsak ang luha niya pero halata rin ang pag-pipigil nito.

{"Wala namang nangyaring masama kay Tracey anak. It's just that, her eyes become red with touches of black. Naging pula ang pupil part ng mata niya samantalang ang cornea naman ng mata niya ay nagiging itim. Parang pang-Cyborg ang mata niya anak. Hindi rin namin mapatigil. Parang napakalakas niya. Anak alam kong 3 years old pa lang itong si Tracey. Pero kakaiba ang lakas niya,"} paliwanag ng kanyang ina.

{"Kahit nga itong si Louie hindi napigilan si Tracey. Natatakot na ang bata,"} dagdag pa nito.

Biglang rumesitro sa isip niya ang isang bata na may hawak na katana. Duguan ang buong katawan pero parang wala siyang kasugat-sugat. Tumutulo ang mga dugo mula sa katanang hawak nito at kapareho ng sinasabi ng kanyang ina sa phone ang itsura ng mga mata nito. Kahit siya mismo ay kinilabutan sa itsura ng bata pero agad din itong nawala.

Rancor City Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon