22: Acel is Back

758 32 8
                                    

KOBI DANIEL WARRENS

Isang oras na kaming tumatakbo pero hindi pa rin kami tinitigilan nung batang kasama ni Leader. Grabe nakakatakot yung bata. Kapag nahabol kami nito, sigurado, patay kami. Ayoko ng ganito, sino bang pwedeng pumigil sa kanya? Para sigang si Leader, sobrang nakakatakot.

"Little girl, come here, I cook another carbonara, stop chasing them now," malamig na saad ni Leader. Doon naman tumigil yung bata at patakbong pumunta kay Leader. Niyakap pa nito ang paa niya at tila naglalalambing. "Hihih Tracey Loves carbonara, Tracry wants carbonara. Hihihi thank you daddy," ngiting sabi ni Tracey daw ang pangalan. Saka bakit niya tinatawag na Daddy si Leader?

Hindi kaya may alaala na siya? Sana naman wala, ayaw naming bumalik siya sa pamilya niya. Selfish na kung selfish pero si Leader lang kasi ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, buhay pa kami.

THIRD PERSON

Nang natapos kumain si Tracey mabilis itong yumakap kay Ivan at humikab. "Daddy, Tracey is sleepy. Tracey wants to sleep," inaantok na sabi ni Tracey. Mabilis naman itong binuhat ni Ivan ng pa-bridal style at nakitang pumikit na lang ito at sumiksik sa kanya. Napangiti si Ivan saka ito dinala sa kwarto at nilapag sa kanyang kama. Doon pa lng bumaba ang pagkaalerto ng tatlong nasa labas.

Medyo natrauma sila sa ginawa ni Tracey sa kanila. Hindi nila inakala na ang isang batang katulad ni Tracey ay kayang humawak ng kutsilyo. "Hindi niyo ba napansin?" Takang tanong ni Neasha. Tiningnan naman siya nila Anamary at Kobi.

"Yung paghagis niya ng kutsilyo, eksaktong sa mga gilid natin. Nararamdaman ko pa yung pressure ng bawat paghagis non. Pakiramdam ko, hindi naman talaga tayo sasaktan ni Tracey, kasi kung pagbabasehan mo yung galaw niya. Kahit pa in motion tayo, kaya niyang bumato para matamaan tayo," dagdag ni Naesha. Napa-agree naman ang dalawa.

"Tama ka, baka talagang nakikipaglaro lang siya," sabi ni Anamary. Mayamaya ay may kumatok sa kanilang bahay. Binuksan naman ito ni Kobi at sinalubong. "52 ang namatay sa east wing, ang pumatay ay isang bata. Malinis na po ang lahat," sabi ng lalaking kumatok.

"52? Malaking bilang iyon para sa kalahating araw, gaya ng dati, kunin mo ang pangalan at ang lokasyon ng bahay," sabi ni Kobi. Wala silang pakialam kung may mamatay sa harap nila. Kaso kailangang malaman kung sino ang mga namamatay para na rin sa pagkakakilalanlan. Isa ito sa trabaho ng pangalawang grupo na may utoridad sa Rancor City.

"Ang weird non, 52 ang namatayat hindi pa nagagabi. Usually, ito yung bilang na narerecord nating patay sa isang araw, nasa range na 50 - 60. Iisa lang daw ang pumatay at bata lang," nanlaki naman ang mata ni Kobi ng ma-realize ang sinabi.

"Teka? Bata? Hindi kaya si Tracey iyon guys? Siya lang ang bata dito diba?" Gulat na tanong ni Kobi. Pare-pareho namang nanginig ang tatlo. "Hindi basta-bastang bata si Tracey, iyan lang ang masasabi ko," saad ni Anamary.

--*--

Dumilat si Tracey at nakitang tulog na si Ivan. Ngumisi ng nakakatakot si Tracey at nilabas ang isang injection na mag lamang likidong kulay blue. "This potion will bring back your memories Daddy. You'll be back to ojr arms. Sorry Mom but I will destroy your plan to Daddy," ngising niyang saad. Mabilis niyang tinurok ang injection sa Ama at halatang eksperto ito sa ganoong larangan.

Kung sa talento ang pinag-uusapan, namana niya ang katalinuhan ni Autumn at ang lakad nito. Halata mo na kaagad na anak siya ni Acel at Klien. Kung kay Denver naman, si Acel ang naging preference ng kakayahan nito. Ito ang nag-train sa kanya kaya kahit hindi niy ito tunay na anak, para na rin siyang si Acel.

Habang natutulog si Ivan. Unti-unti ng bumalik. Pinagpapawisan siya habang unti-unti niyang nakikita ang mga blur image na nagiging malinaw.

Nagkunwaring tulog si Tracey hanggang sa makuha lahag ni Ivan ang kanyang Alaala.napabangon siya at mabilis na pinunasan ang pawis. Kahapon lang ay nakita niya ang asawa. Ngumisi si Ivan saka nag-ayos. Tiningnan si Tracey na talagang tulog na saka inalala ang araw na may tinurok sa kanya at kay Denver si Klien.

Ang potion na pwedeng makapagpabuhay ng kamamatay pa lang. Isang potion na makakapagpabilis sa plateletes na pagalingin ang kahit anong sugat. Malala man o hindi. Patay na sana sila kung hindi dahil dito. Nakadiskube ng bagong elemento si Klien at ito ang ginamit niya para mabilis na magreact ang plateletes niya.

Mabilis niyang binuhat si Tracey ska siya lumabas. Nakita niyang nakanganga ang tatlo sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Mabilis siyang naglakad pero maingat lalo na't alam niyang anak niya si Tracey. Ang batang nasa sinapupunan ni Klien nung oras na naaksidente sila.

Gusto niyang itanong sa asawa kung bakit. Bakit hindi nito kaagad sinabi ang kanilang relasyon. Alam niyang may dahilan ang asawa. Kilala niya ito dahil hindi ito gumagalaw o nagdedesisyon ng walang dahilan. Pero hindi niya mapigilang magalit dahil sa ginawa ni Klien. Dere-deretso sihang pumunta sa Royalty Palace at walang pakialam na pumasok. Walang nangahas na pigilan siya lalo na't may utoridad ito sa Rancor City.

Maliban sa tatlo, kaya Summer, Spring, at Winter. Kasama si Zara at Roselyn. "Ivan kung ako sayo aalis na ako," malamig na saad ni Summer. Napansin naman ni Winter na hawak ni Ivan si Tracey. Kukunin niya sana ito ng biglang kinuha ni Ivan ang samurai sa gilid at sa isang kamay niya ito tinanggal sa holder. "Don't you dare!" Nakakatakot na saad ni Ivan. Napaatras naman ang lahat dahil parang si Autumn ito kung magalit.

"Uncles, Aunties you can drop that, Mom is expecting him," ngising saad ni Denver. Sinamaan naman ni Ivan ng tingin si Denver pero ngisi lang ang sinukli nito.

"Pero Louie-" pinigilan lang siya ni Louie saka sila dumiretso papasok. Hawak niya sa kanan si Tracey at da kaliwa ang samurai na hawak. "Why Denver?" Malamig na tanong ni Ivan sa anak.

"You should talk to mom and not to me, Dad!" Ngising saad ng anak.

--*--

Ybrehl

Rancor City Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon