Chapter 9

771 22 0
                                    

Sa buong maghapon, pinaliwanag ni Jimin ang kanyang magandang plano kay Jungkook, na nakaupo lang at nakikinig ng mabuti. nanlaki ang mata ni Jungkook sa mga parteng hindi nya nagustuhan, pero napilit parin sya ni Jimin na makisabay nalang sya.

At dahl dun, kinabukasan, walang nagawa ni Jungkook kundi ang itext si Alex at tinanong kung pwede ba syang pumunta at maki-hang out.

Iginitgit ni Jungkook ang kanyang panga, kabadong palakad lakad sa kwarto kasama si Jimin.

"Sigurado ka bang agana to?" tanong nya, habang nilagay ang kamay sa bibig at sinimulang kagatin ang kanyang kuko. Hinampas naman ni Jimin ang kamay nya shaka humingang malalim.

"Magiging maayos din ang lahat, kalma lang." tumango naman si Jungkook at tumigil na sa kakalakad. Sinimulan nyang igalaw galaw ang kanyang braso at ulo na para bang tinatanggal nya ang kanyang jacket, pero wala naman syang suot na ganun.

"Oo kalma, kalmado ako. Ang pinakacool na pipino. Pinakamalamig na snowcone. Ang pinaka masarap na ice cr--" napatigil lang sya ng may narinig syang katok sa pintuan. Fuck.

Nagtatalon si Jimin sa sobrang excite bago pumunta sa pintuan at buksan ito. "Hey Alex." ngumiti syang mabuti, sinusubukang ayusin ang mood. Ngumiti namang mabuti si Alex at binati sya, lumakad dahil sa utos ni Jimin.

Mahinang huminga ng malalim si Jungkook bago humarap at ngumiti ng mabuti sa grey haired boys. "Yo." Sinubukan nyang kumalma, pero lam nyang hindi naman yun nangyayari.

"So uh, Alex." tumikhim si Jungkook dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng mga kasama. "Gusto mo bang mangisda o kung ano man?" Merong maliit na pond sa harap ng kanilang bahay. Meron pang ibang lugar na pwedeng puntahan pero amindo si Jungkook na ayaw nya talagang umalis sa bahay.

Ngumiti naman at tumango si Alex, binigyan ng side hug si Jimin bago sundan si Jungkook palabas sa pintuan. Ang magandang kapaligiran na lagi mong nakikitang nagniningning ay mukhang walang buhay. May hamog na makapal ang ramdam sa hangin, dahilan para hindi nila makita ang daan papuntang lawa. Iniisip ni Jungkook ang salitang pwede nyang gamitin para mai-describe ang nangyayari, nappataas ang kilay ng makita nya ang salita. Gloomy.

"So..." panimula ni Jungkook, inayos ang pamingwet na galing sa tama nitong lalagyan. Naglakad sila pababasa porch at nanatiling tahimik habang naglalakad sila papalapit sa sapa. Nasampal naman ni Jungkook ang sarili nya sa kanyang isipan ng maalala nyang wala syang dalang kahit ano para maupuan. Ngyayon kaylangan nilang umupo sa semento, at maduming lapag.

"Sorry..." nangibabaw ang boses ni Jungkook,  inayos ang pamingwet at humilata sa lapag.

"Okay lang." sambit ni Alex, umupo ng malapit sa kanya na hindi nya ganun kagusto. Pareho nilang kinuha ang kanilang pamingwet at ipinuwesto, may nakalagay ng uod sa bawat dulo nito. Awkward na katahimikan ang pumuno sa kanilang pagsasama, dahilan para hindi maging komportable si Jungkook. Tinitigan nya ang maputik na tubig ng sapa, nagiisip ng tungkol sa buhay.

Iniisip nya si Taehyung, at ang kanyang nararamdaman. Iniisip nya lahat ng pagkakataon na sya at ni Taehyung ay gising hanggang madaling araw, pinagusapan ang kung anoman. Namimiss nya na lahat yan. Sobra sobra. Magmula ng magsimula ang trip nila, iba na ang pinapakitang ugali ni Tae, na para bang may iniiwasan syang kung ano. Hindi si Jungkook, kundi iba pang bagay. Hindi nya mailagay ang kanyang daliri rito habang nakatitig parin sya sa tubig. 

"So anong meron sa inyo ni Tae?" nabalik sa katotohanan si Jungkook dahil sa tanong. Agad syang nanigas sa kanyang pwesto, tila ba nawalan ng pakiramdam ang kanyang buong katawan. "A-anong ibig mong sabihin?" Napamura sya sa kanyang isipan dahil sa kanyang pagka-utal. Tumawa naman si Alex at mahinang tinulak ang balikat ng mas nakakabata.

"Nakita ko kayong nagsayaw sa  party, wag ka ng umarteng wala lang." tumawa si Alex. Tinignan sya ni Jungkook, nahihiya. "Sumayaw lang kami tulad ng ginagawa ng isang magkakaibigan." Sinubukan nyang pakalmahin at ayusin ang sarili, pero hindi din naman yun nangyari. Tumawa ng malakas si Alex dahil sa sinabi ni Jungkook, namumula na ang mukha sa sobrang kakatawa.

"N-nagbibiro ka!" sambit nito sa gitna ng pagtawa. Hinawakan pa ang kanyang tyan. Tinitigan sya ni Jungkook, nahihiya parin pero nagtataka. "Nagsayaw nga kayo na parang mag-asawa e." naramdaman ni Jungkook  na nagiba ang kanyang paghinga dahil sa sinambit ng kasama.

"Magkaibigan lang kami." lumabas ang mga salitang iyan sa bibig ni Jungkook ng hindi sinasadya, mukhang hindi napaghandaan. Tumingin naman ulit sa kanya si Alex, nakataas ang kilay.

"Seryoso ka ba talaga jan?" tumango si Jungkook, dahilan para bigyan sya ni Alex ng blankong ekspresyon. "Bakla kaba?" tumawa si Jungkook bago muling tumango. Tinitigan syang muli ni Alex, inaaral ang buong mukha nya. Pakiramdam nya ang nilalamon na naman sila ng hindi komportableng katahimikan ng muli silang bumalik sa pamimingwet.

Nakaramdam ng kung anong weird si Jungkook dahil sa mga sinabi ni Alex. Nagsayaw kami na parang kami? Walang naisip si Jungkook na ganun ngayong oras, pero ngayon ay napagtanto nya na kung gaano nga iyon ka totoo. Sumayaw nga sila na dahilan kung bakit parang gustong sumigaw ng kalooblooban ni Jungkook, nagaapoy ang puso dahil sa nangyayari. Sa oras na ito, naisip nyang biro lang lahat ng yon.

"Mukhang alam ko na kung bakit mo ako pinapunta ngayon." sambit ni Alex, ibinaba ang hawak na pamingwet at humarap sa kasama. Tinignan sya ni Jungkook na may pagtataka, nag-hum bilang sagot.

"Dahil dito." bulong ni Alex, inilapit ang mukha kay Jungkook at inilapat ang labi sa labi ng kasama, dahilan para hindi nya alam ang ire-react.

Nanlaki ang mata ni Jungkook at nahulog  patalikod, pinang alalay ang mga braso. Nakarinig sya ng malakas na  basag at tumingin malapit sa bahay, kung saan nakatayo si Taehyung, may dull na reaksyon sa mukha.

Naramdaman ni Jungkook na nag-slowmo ang oras ng ilipat nya ang tingin sa red haired boy, nakakita rin ng mga bubog sa paanan nito. Siguro ay may hawak syang baso o plato. Napansin nya ang kulang na emosyon ng red haired male  na ikinatakot nya kaysa sa nakakatakot na kwento ni Yoongi. Wala sa mukha nito ang sakit o kalungkutan, kahit ang galit. Naramdaman nya muling nanuyo ang kanyang mga labi habang hinahanap ang tamang salita, nadurog ang puso ng mahanap nya na ito. Ang makikita sa mukha ni Taehyung ay ang pinakamalala sa lahat.

Manhid.

--

Sawakas, natapos ko rin ang chapter na ito. Medyo hindi ko kasi feel itype kasi naman wala si Taehyung sa scene tapos nung dumating na sya ganun naman ang nangyari. Sorry Taetae....



Dare ( Tagalog Adaptation )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon