Chapter 11

799 21 3
                                    

"What the fuck was that?!" sigaw ni Jimin pagkapasok na pagkapasok nya sa pintuan ng bahay. Nakaupo si Jungkook sa sofa, may nakalagay na icepack sa likod ng kanyang ulo. Habang ang iba naman ay pinapanood lang si Jimin na nagpunta kay Taehyung.

"At bakit mo naman sya kaylangang itulak ng ganun? Sa salamin pa? What the fuck!" sigaw muli ni Jimin, halata ang galit sa kanyang pananalita. Nagugulat naman si Jungkook sa lakas ng boses nya. Iniikot nya ang sarili nya para makita nya ang nangyayari.

Hindi manlang tinitignan ni Taehyung si Jimin, pero nakatingin sya kay Jungkook. At sa unang pagkakataon ng araw na yun, may pinakita na syang emosyon.

Pagaalala.

Nakabukas ang kanyang labi ng kaunti at ang mata naman ay puno ng kaguluhan. Naramdaman ni Jungkook ang pag init ng kanyang pisngi ng ibaking nya ang kanyang tingin kay Jimin. Palakad lakad ito at humihinga ng malalim.

Bigla bigla ay naglakad sya papunta sa harapan ni Taehyung at binigyan nito ang binata ng nakakamatay na tingin. "Gusto mo ba malaman kung paano ang kanyang naramdaman? Ang itulak tulak nalang?" At tinulak nga ni Jimin si Taehyung ng sobrang lakas, ang boses nya'y halatang nagagalit.

"Ipapakita ko sayo kung paano ang pakiramdam ng pinagtutulakan." muli nyang tinulak si Taehyung ng mas malakas kaysa sa nauna dahilan para mawalan ito ng balanse. Nagulat naman ang iba nilang kasama at agad na inawat si Jimin bago pa may mangyaring mas malala.

"Listen!" sigaw ni Yoongi, mukhang mas naiinis kaysa sa nagagalit. "Kakausapin ko sya. Lahat kayo siguraduhin nyong maayos lang si Kook, okay. Fuck." huminga sya ng malalim pagkatapos at hinila si Taehyung palabas ng cabin.

Napahinga naman ng maluwag si Jungkook na hindi nya napansing tiniis nya palang wag ilabas. Ipinikit ni Jimin ang kanyang mga mata, namumuti na ang kamao dahil sa pagsasarado nya ng kanyang palad. Dahan dahan syang huminga bago lumakad papunta sa sofa at umupo sa tabi ni Jungkook.

"Okay ka lang?" tanong ni Jimin, ngayon ay malumanay lang sya magsalita di katulad kanina. Tumango si Jungkook, hindi alam kung anong kanyang sasabihin dahil sa mga nangyari.

"Jin, Hosoek, Joonie, pwede nyo ba syang timplahan ng tea o kung ano? Makakatulong yun sa ulo nya." malumanay na sambit muli ni Jimin. Tumango ang tatlo habang tinignan ang isat isa bago magpunta sa kusina.

Umupo muli sa sofa si Jimin, nakapikit ang mata. "Kung nagtataka kung para ano man ang nangyayari..." humina ang boses nya. " Ako... Nagkaroon ako ng crush nung High School. Isa sya sa tahimik noon at kadalasang inaasar. Natakot akong sabihin lahat. Your classic teen love story, alam mo yun?" tumawa ng kaonti si Jimin bago magpatuloy.

"Yung mga popular na bata ay palagi syang pinagtutulakan at kung ano ano ang pinagsasasabi tungkol sa kanya, isang araw binigyan nila sya ng black eye dahil nasabi nya sa school counselor. Simula nung hindi ko na matiis pag may taong pinagtutulukan ulit." Tumango naman si Jungkook, ibinuka ang bibig para may sabihin.

"Kahit isang beses lang yun," pagpuputol sa kanya ni Jimin, inagaw ang kung ano mang gusto nyang sabihin, "pwede pa kasing lumalala yun at maging pagabuso, hindi mo alam kung anong pwede pang mangyari." Isinara nalang ni Jungkook ang kanyang bibig at tumango ulit. "Gusto mo parin ba sya?" Tinignan sya ni Jimin, tinitigan syang mabuti sa mata.

"Yeah." sinubukang lakasan ni Jungkook ang kanyang boses pero lumabas lang ito na parang bulong. "Gustong gusto ko sya." Tumango naman si Jimin, isang bugtong hininga ang pinakawalan nya. "Kung may ano mang mangyari sa inyong dalawa, susuportahan ko yun okay? Hindi ko lang suportado kung ano ang ginagawa nya ngayon." Binigyan ni Jimin ng assurance si Jungkook gamit ang isang tango.

Bago pa man mas lumalim ang kanilang usapan, bumukas ang pintuan, kung saan nandoon si Taehyung at Yoongi. Kitang kita ang pamumula ng mata ni Taehyung habang seryoso naman ang mukha ni Yoongi.

"Jungkook, kaylangang makipagusap sayo ni Taehyung in private." sambit ni Yoongi, at mahinang itinulak palapit si Taehyung kay Jungkook. Napalunok naman si Jungkook pero agad na tumango, sinundan si Taehyung papasok ng kanilang kwarto. Umupo si Taehyung sa kama at ti-nap ang space sa tabi nya. Namula naman ng kaunti si Jungkook at umupo, at nagkakadikit ang kanilang mga hita.

"Pwede ba nating laruin ang huling Truth or Dare?" sambit ni Taehyung gamit ang kanyang malalim na boses. Nagdikit naman ang kilay ni Jungkook sa pagtataka pero pumayag din naman. "Truth or Dare?" pinanood ni Taehyung si Jungkook habang ito ay nagiisip.

"Truth."

"Anong nararamdaman mo para sakin?"

Saglit namang nanlaki ang mata ni Jungkook bago mahinang huminga ng malalim. Kung ano ano na ang tumatakbo sa kanyang isip, iniisip ng mabuti kung anong dapat nyang maging desisyon na sabihin at kung paano ito sasabihin.

"Gusto kita, hindi bilang kaybigan. Well, gusto na kita bilang kaybigan pero mas higit pa sa kaybigan. Gusto bilang boyfriend yung ganun, alam kong hindi tayo nagde-date pero-" natawa naman si Taehyung at pinatahimik ang tuloy tuloy na nagsasalita, tumatango tango.

"Naiintindihan ko. Ngayon tanungin mo ako." nginitian ni Taehyung si Jungkook. Agad namang nakaramdam ng mga paru-paru si Jungkook sa kanyang tyan at napangiti ng kaunti.

"Truth or Dare?"

"Truth."

"Ano namang nararamdaman mo para sakin?" tanong ni Jungkook, halata sa boses ang kaba. Napatawang muli si Taehyung, may maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Gusto kita na higit pa sa iniisip mo. At in a boyfriend way." ginaya nya ang paraan ng pagkakasabi ni Jungkook, dahilan para mamula pa ng sobra ang kasama.

"Truth." biglaang sagot ni Jungkook bago pa magtanong si Taehyung.

"Sa tingin mo gaano tayo magtatagal bilang couple?" humina ang boses ni Taehyung na para ba itong bulong, nakatingin sa lapag.

Naghabol ng hininga si Jungkook bago sya tumingin kay Taehyung. "Well, pinagdadasal ko na sana habang buhay. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka palagi, lahat lahat gagawin ko. Kung meron akong pagkakataon sayo hinding hindi ko yun palalagpasin kaagad." namula naman ulit si Jungkook, nilalaro ang dulo ng kanyang damit.

"Pero bakit hindi mo ako niyayang lumabas?" tanong nya, hindi na inintay na sumagot si Taehyung ng truth.

Nagpakawala ng hinga si Taehyung at ipinikit ang kanyang mga mata, nakangiti parin.

"Hindi dahil sa akala ko na hindi mo ibabalik ang feelings ko kasi alam kong gusto mo din ako. Natatakot lang ako na baka pag inaya kitang lumabas at biglang maghiwalay ay mawawala ka na sakin habang buhay." nag-crack ang boses ni Taehyung dahilan para mapatingin sa kanya si Jungkook at may nakitang luha sa kanyang mata.

"Natatakot lang talaga akong mawala ka sakin. Kaya inisip ko na kung isasantabi ko yung nararamdaman ko sayo ay mawawala din to, at sana yung sayo din. Tignan mo kung nasaan tayo ngayon." napatawa naman si Taehyung habang nakangiti naman sa kanya si Jungkook.

"T-"

"Puro truth nalang ang pinipili mo!" tumawa si Taehyung dahilan para mag-pout si Jungkook.

"Sige Dare naman ngayon."

Tinignan ni Taehyung si Jungkook sa paraan na hindi nya pa nagagawa noon, ang mata nya ay busy sa pagtitig sa mukha ni Jungkook. Tumigil ang tingin nya sa labi nito habang palapit sya ng palapit kaya naman nararamdaman na ni Jungkook ang kanyang mainit na paghinga sa kanyang labi.

"I dare you too kiss me."

--

Hi guys, I'm back. Giyang na giyang na ba kayo sa Update? Onting chapters nalang ang natitira guys. 






Dare ( Tagalog Adaptation )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon