Chapter 10

821 26 5
                                    

Malabo ang buhay.

Yung para bang may dumating nalang na may hawak na kutsilyo at hiwain ang pagkakaibigan nyo, hinati ito sa dalawa. Iniwasan na ni Taehyung si Jungkook simula nung pangyayaring iyon. Sobrang naguguluhan na si Jungkook.

Matapos nyang sampalin si Alex at sigawan ito para umuwi na, tumakbo sya para sundan si Taehyung. Sira na. Nasira na kaagad ng blade and unang pagkakabuo ng kanilang pagsasama, at habang tumatagal lalo na itong nasisira. Nagkukulong lang si Taehyung sa CR kada gabi, habang si Jungkook naman ay natutulog lang sa labas, nakasandal lang sa pintuan.

Pakiramdam nya nadurog ang puso nya, ngayong alam nya ng hindi magiging katulad ng dati ang pagkakaibigan nila. Hindi sya nanloko o ano, hindi rin naman kasi sila nagde-date, pero talagang nararamdaman nyang paghihiwalayin sila ng halik na yun.

"Handa na ba kayo?" Matapos marinig at makita ni Namjoon ang tensyon na namumuo sa bahay, napagpasyahan nyang lumabas para kumain ng hapunan sa halip na paglutuin nalang si Jin.

Inalis ni Jungkook ang paningin nya sa kanyang cellphone bago tumango at umayo sa kanyang kinauupuan at pumunta na sa may pintuan. Sinundan naman sya ng natitira nya pang kasama kasabay ng tamlay na tamlay na si Taehyung papuntang large minivan sa labas.

Sobrang awkward ng byahe, si Jimin ay nakaupo sa pagitan ni Jungkook at Taehyung. Sinusubukan ni Jungkook magpasimpleng tingin kay Taehyung, na nakatingin naman sa labas ng bintana. Tinandaan ni Jungkook kung gaano katamlay ang mukha nito, kasalungat ng kung anong liwanag ang meron ito noon. Para bang simula ng magtama ang paningin nila noong halik na yon, wala na itong inilalabas na emosyon.

Walang kabuhay buhay ang mga mata nya, dahilan para magmukha syang pagod sa buong araw. Nakasimangot lang ang kanyang mga labi. Kahit na sobrang nakakatawa na nung joke, hindi parin nagbabago ang posisyon ng kanyang mga labi. Nagpapakita ng walang gana lang ang kayang mukha. Ikinakatakot yun ni Jungkook.

Hindi rin katagalan ay narating nila ang resturant at agad na pumasok, tinandaan ni Jungkook kung gaano lang kaunti ang tao dito. Meron lang itong maliit na pamilya sa isang tabi ng diner sa isang lamesa, at isang magkasintahan na nasa booth na hindi ganun kalayo kung nasaan sila.

Umupo si Jungkook sa pagitan ni Jimin at Yoongi, kaharap si Taehyung at Namjoon. Nakaupo si Jin sa tabi ng kanyang nobyo habang nasa tabi naman ni Yoongi si Hoseok, seryosong nakatingin sa pagpipilian. Napansin ito ni Jungkook kaya naman napatawa sya.

"Bakit ganyan ka makatingin sa menu?" tanong nya, lumapit ng onti para makita nyang mabuti ang kausap. "Food is no joke, shaka gusto kong makakain ng tunay na dinner ngayon. Plus, si Yoongi ang magbabayad kaya kaylangan kong pumili ng mahal." mahina naman syang hinampas ni Yoongi sa braso, natawa.

Napansin din ni Jungkook kung paano nagkibit panga si Jimin dahil sa nangyayaria at tumawang muli, dahilan para mamula ang silver haired boy. Nagsambit agad sya ng isang 'shut up' bago bumalik sa pagpili ng pagkain nya.

"Alam na ba ng lahat kung anong gusto nila?" Sambit ni Namjoon ng tumahimik na ang lahat. Tumango naman ang lahat bago tawagin ni Namjoon ang waitress, sinabi sa kanya kung anong order. Sinulat agad ito ng waitress sa kanyang pad bago tumingin kay Taehyung, na nakatulala sa kawalan. Nanghingi naman ng pasensya si Namjoon bago alugin ito, para makuha ang kanyang atensyon.

Nanlaki ang mata ni Jungkook ng umorder si Taehyung, pagod ang boses nito at walang emosyon. Ang boses nya ay malalim at mahina, walang kahit anong hint ng saya kahit lungkot. Nagtinginan naman si Jungkook at Jimin ng may pag-aalala, pareho silang sumang-ayon sa bagay na hindi dapat nangyari. At mabilis.

Hindi pa nakikita ni Jungkook na umakto ng ganito si Taehyung. Kilala na nila ang isa't-isa sa loob ng sampung taon, at alam na ng brunette ang lahat sa kanya. Matapang si Taehyung, hindi kaagad nagagalit o nalulungkot dahil sa isang bagay. Kahit nga nahospital ang nanay nya at kaylangan magtagal sa hospital sa loob ng ilang bwan, hindi umiyak si Taehyung o  kaya naman ay malungkot, di tulad ngayon.

Palaging nakangiti o natawa si Taehyung, laging may positive vibes sa kanyang aura. At lahat ng nakakasama nya ay masaya dahil don. Kayang mag-cheer up ng kahit sinong taong malungkot ang simpleng ngiti ni Taehyung, at nangyari na iyon kay Jungkook maraming beses na dati.

Pero ngayon, sobrang nagaalala na si Jungkook. May kung ano syang naramdaman sa tyan nya ng iangat nya ang paningin nya, nakitang parang walang buhay na tinititigan ni Taehyung ang soup na nasa harap nito. Wala pa syang binabawasan, ginagamit nya lang ang kanyang kutsara para landiin ang sabaw. Huminga ng malalim si Jungkook sa isipan nya, nagdadasal na sana alam nya kung paano ito ayusin. Kasalanan ko to. Sambit nya sa kanyang sarili, lalo lang naiinis habang iniisip nya ang mga nangyari.

Natapos ang hapunan ng may mahaba at awkward na katahimikan, pinuno ang resturant ng usok. Nagbayad si Yoongi, pabulong bulong sa sarili dahil sa presyo ng kanyang binayaran bago magsilabas ang lahat.

Pumasok na silang lahat sa sasakyan, parehong pwesto lang kanina. Maliban nalang dahil lumipat si Jimin sa likod kasama ni Hoseok at Yoongi, at iniwang magkatabi si Taehyung at Jungkook sa middle seat.

Sinilip ulit ni Jungkook si Taehyung, tinititigan itong nakatingin sa labas ng bintana. Nakasimangot at may malungkot na mata ang red haired boy, isang bagay na sinisimulan na ni Jungkook na kasanayan. Napakunot ang noo ni Jungkook, umiisip ng paraan kung paano mapapangiti ang nakakatanda. Kaylangan ko bang lumapit?

Napagdesisyunan ni Jungkook na lumapit pa kay Taehyung, kaya tumabi pa sya rito ng onti. Hindi ito napansin ni Taehyung kaya naman lumapit pa ulit sya ng kaunti. Ngayon ang hita ni Jungkook at Taehyung ay nagkakatamaan na. Nagintay sya ng segundo para sa reaksyon ng katabi pero hindi naman ito nangyari. Akala ng brunette na okay itong sinyales kaya naman ipinatong nya ang kanyang ulo sa balikat nito.

Walang ano-ano'y itinaas ni Taehyung ang kanyang mga kamay at itinulak si Jungkook pabalik sa dati nitong pwesto. Napahampas si Jungkook sa pintuan ng sasakyan, napatama ang ulo sa salamin ng malakas. Nag-bounce ang kanyang ulo na naglikha ng malakas na thud, buti nalang at hindi ito nasira. Napatigil ang sasakyan, napuno ng sigawan at ungol dahil sa sakit.

"What the fuck?!" sigaw ni Jimin kay Taehyung, na nanlaki ang mata. Hindi nag-react si Taehyung, tinitigan nya lang si Jungkook na hinawakan ang ulo nyang masakit. Napalunok si Jungkook, hindi nya pa kasi naririnig na sumigaw si Jimin ng ganun, o yung parang galit.

Naramdaman nyang timibok ang ulo nya kaya naman ipinikit nya ang kanyang mata, sinusubukang hindi na pakinggan ang mga boses na sumisigaw kay Taehyung. Pinapagalitan si Taehyung pero hindi sya sumasagot, dahilan para lalong lumala ang nararamdaman ni Jungkook.

Pagkalipas ng limang minutong sigawan, sinabihan na ni Jungkook si Namjoon na ituloy ang byahe. Gusto nya ng umuwi at magpahinga. Sa kanilang paguwi, inisip nya lahat ng nangyari matapos ang kanilang 'fun getaway'. Napatawa sya sa kanyang naisip.

This trip has fucking sucked.

--

Hi, kamusta? :D Makipag-interact kayo sakin, hindi ako nangangain ;) 










Dare ( Tagalog Adaptation )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon