PART 6

159 6 0
                                    

Samantha's pov

   Recess na namin ngayon pero hindi muna ako kakain,gusto ko kasing pagisipan ang gagawin ko mamayang gabi para sa plano ko. Nakita ko naman si Maureen na palabas ng classroom kaya tinawag ko ang pangalan niya

"Maureen!!!"sigaw ko lumingon naman siya sa akin at ngumiti

"Bakit?"tanong niya.nang makalapit na ako sa kanya,hinila ko siya papasok sa Music Room

"Bakit tayo nandito?" Tanong niya sa akin

"Gusto kong tulungan mo'ko"seryosong sabi ko

"Huh?para saan?"naguguluhang tanong niya

"Hanapin natin ang killer."nagulat siya sa sinabi ko

"Pero Samantha mapanganib"

"Alam ko.Pero kailangan nating subukan"

"Oh sige pumapayag na ako.So anong plano mo?"

**********************

   Nandito kami sa loob ng lumang classroom,kanina pa kami tingin ng tingin sa labas,pero ni isang dumaan ay wala.6:39 na nang gabi pero kahit isang anino wala

"Sigurado ka ba talaga sa plano mo?"tanong sakin ni Maureen

"Oo,magtiwala ka lang"sabi ko.sa hinaba haba ng paghihintay namin dito may nakita kaming babae na tumatakbo.sinundan namin siya ni Maureen. Tumigil muna kami dahil nakita namin siya na pumasok sa library. Pumunta kami sa likod ng library at tumingin sa bintana,
nagulat kami sa nakita namin,may hawak na patalim ang babae at pinagsasaksak ang...teka,si kyle yun ah.napatakip kami ng bibig ni Maureen para hindi kami makagawa ng ingay.napaluha na lang ako ng makita ko si kyle na humihingi ng tulong at nagmamakaawa sa babae.Gusto ko siyang tulungan pero wala akong nagawa.Nagulat na lang ako ng itusok ng babae ang patalim niya sa leeg ni Kyle.Gusto kung sumigaw pero hindi ko magawa...mas nagulat kami ni Maureen ng nakita na namin kung sino yung babae...

"Liza?"sabay naming sinabi.Pero hindi gaanong malakas ang pagkasabi namin nun.kitang kita ko sa mga mata ni Maureen ang pagkagulat.Bakit sa dinami dami ng killer,bakit si Liza pa? Si Liza ang isa sa pinakamabait sa klase namin,pero bakit niya to ginawa? Bakit siya pumapatay?

"Umuwi na tayo Samantha,ihahatid na kita"sabi niya na may halong lungkot.Matalik na magkaibigan sila ni Liza,siguro ay nasasaktan siya dahil ang pinakamatalik niyang kaibigan ay pumapatay.

----------------------

  Nandito ako ngayon sa kwarto ko.Hindi ako makatulog dahil naalala ko yung pinag usapan namin ni Maureen kanina

FLASHBACK

  Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Maureen,ihahatid daw kasi niya ako

"Samantha?"tawag niya sa akin

"Bakit?"

"Maari bang wag mo muna nating ipagsabi o ipaalam sa iba ang tungkol kay Liza?"Sabi niya.Tama siya hindi pa namin napapatunayan na si Liza talaga yung killer,kilala ko siya at alam kung hindi niya yun magagawa

"Oo naman"sabi ko at ngumiti,ngumiti rin siya pabalik

"Sasabihin lang natin sa kanila pag may nakita na tayong ebidensiya laban sa kanya."

"Tama ka Maureen.Alam kong mahirap ang magbintang,Alam nating lahat na mabait si Liza,at kung sinabi natin na siya ang isa sa mga pumapatay,alam kong walang maniniwala sa atin dahil kilala ng lahat si Liza"Sabi ko naman

"Bukas na bukas Samantha,titignan natin lahat ng kinikilos ni Liza.alam kung bukas na bukas rin ay makikita nila ang katawan ni Kyle sa eskwelahan natin"

"At kung si Liza nga ang isa sa mga killer,sino pa ang iba niyang mga kasama?"

"Mga bagay na dapat nating alamin"

*END*

   Sinisigurado ko na mahahanap ko silang lahat,Mahahanap ko rin kung sino ang nasa likod ng lahat ng mga nangyayari na patayan sa seksyon namin. At kapag nangyari yun, malaya na ang lahat.

-------------------------------------------------------_

The killers (Gabru)Where stories live. Discover now