PART 7

152 6 2
                                    

Maureen's pov

   Kanina pa nagkakagulo dito sa loob ng classroom,dahil natagpuan nila sa loob ng C.R ang katawan ni kyle.katabi ko ngayon si Samantha,nagpaalam narin siya sa mga kaibigan niya na dito muna siya sa tabi ko uupo.kanina pa namin nakikita ni Samantha si Liza na di mapakali.Bigla siyang tumakbo palabas,kaya naman sinundan namin siya.Nakita namin siya na umiiyak habang nakaupo sa bench.Nilapitan namin siya at umupo sa tabi niya

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya

"Please,iwanan niyo muna ako"sabi niya na patuloy parin sa pag iyak

"Bakit ka ba kasi umiiyak? May problema ka ba?"tanong naman ni Samantha

"Wala kayong pakealam,umalis na kayo"sigaw niya sa amin

"Liza,kung may problema ka pwede ka naman naming tulungan eh"Sabi ko

"Hindi niyo ako matutulungan sa problema ko!!!"sigaw niya ulit sa amin

"Kahit naman hindi mo sabihin yung problema mo alam na namin" Nagulat si Liza sa sinabi ni Samantha. Sh*t hindi niya pwedeng sabihin kay Liza lahat ng nalalaman namin.

"Anong ibig mong sabihin?"Naguguluhang tanong ni Liza

"Alam namin yung problema mo.Na hindi namin pwedeng sabihin sayo"Sabi ni Samantha

"Ano bang sinasabi mo Samantha?"

"Wala.hindi mo na dapat alamin.Mas maganda kung ang alamin mo na lang ay kung sino ang pumatay kay kyle,kung sino ba ang killer" sabi ni Samantha na diniinan pa ang pagkakasabi niya sa salitang killer.haay akala ko na kung sasabihin niya kay Liza yun.buti na lang at mapagkakatiwalaan si Samantha.

"Hay ewan ko sa inyo,mga baliw"sabi ni Liza at umalis na.Nagulat na lang ako ng biglang tumawa si Samantha.anong trip nito?

"Bakit ka tumatawa?"tanong ko sa kanya

"Hahahahahahahah"Grabe tawa parin ng tawa. Dapat si Samantha lang yung nasabihan ng baliw kanina eh,kaloka

"Hoy ano bang tinatawanan mo?"

"Nakita mo ba yung muka kanina ni Liza? Hahaha parang kinakabahan kanina nung sinabi ko yung mga katagang yun"Sabi niya na nagpipigil ng tawa.

Liza's pov

   Nakakabwisit yung dalawang babaeng yun. Napakarami ko na ngang problema dinadagdagan pa nila.Hindi ko naman talaga sinasadyang patayin si kyle eh. Pero natatakot ako na baka ipagkalat niya ang sikreto ko,sikreto na hindi pwedeng mabunyag.kung kinakailangang pumatay papatay ako,maitago lang ang sikreto ko.





----------------------

   Hehehehehe sa tingin niyo,siya na nga ba ang isa sa mga killer?

  

The killers (Gabru)Where stories live. Discover now