Killer's pov
Bwisit, bakit nasa music room si Samantha at Maurine, Hindi sila pwedeng makialam sa mga nangyayari ngayon sa seksyon namin. Hindi sila pwedeng maging hadlang sa mga plano namin.Papatayin namin sila kung ito lang ang paraan para hindi nila masira ang plano namin.
Kung ako sa inyo magsaya na kayo habang may panahon pa,dahil malapit na ang katapusan niyo, dahil ang kamatayan ng isa ay kamatayan ng lahat.Magkita kita na lang tayo sa impyerno, dahil kahit anong gawin niyo, dun din ang bagsak niyo, Bwahahahaha magkita kita na lang tayo sa tunay na ting tirahan, ang Impyerno 👿👹
Samantha's pov
Kanina pa lang nagaaway si Jessica at Dina, dahil lang sa iisang lalake yung Pinagaawayan, psssh as if namang gusto ng lalake tong dalawang to hahahaha 😂.
"Sakin lang si Rafael, naiintindihan mo?" Mataray na sabi ni Dina
"Hahaha no way. Sa tingin mo ba gusto ka ni Rafael? Hahaha asa ka pa" Mataray naman na sabi ni Jessica
"Ganito na lang Jessica at Dina, para hindi na kayo mag away, ibigay niyo na lang sakin si Rafael. Hahaha o diba wala na kayong pagaawayan hahaha" Tumingin ng masama si Jessica kay Nicole.
"Ang pangit ng Rafael na yan para pagawayan niyo.Mas pogi pa nga ang Bebe love ko hahahaha" Sabi naman ni Luisa na kinainis ni Jessica at Dina
"Tama.Yang si Rafael na mukang paa, hindi dapat pinagaagawan Yan, dapat tinatapon" Sabi naman ni Tricia. Nagtawanan ang tatlong kaibigan ni Jessica habang siya naman ay namumula na sa sobrang inis.
"Pwede bang umalis na kayo dito? Mga bwisit kayo!!! " Sigaw ni Jessica sa kanilang tatlo.umalis naman ang tatlo at umupo sa kanilang upuan.
"Oh sige na sayo na lang si Rafael" Sabi ni Dina
"No.sayong sayo na siya" Sabi naman ni Jessica. Oh diba,Kanina pinagaawayan lang nila si Rafael, pero ngayon sinusuko na. Hahahaha natauhan na yata😅
"Sayo na nga siya diba.kaya wala nang problema"
"Para hindi na tayo mag away, ibasura na lang natin siya, total nagsawaan na natin hahaha"
"Tama ka diyan Jessica hahaha" Sabi naman ni Dina. Oh diba nagkasundo rin. Habang busy ako sa pagbabasa ng libro biglang may nahagilap ang mga Mata ko sa labas. Isang lalake na matangkad na nakakulay itim at nakatakip ang mukha.kailangan ko siyang sundan. Susundan ko na Sana siya ng biglang magsalita si Maureen
"San ka pupunta Sam? "
"Mau, may nakita akong lalake na nakaitim at nakatakip ang mukha" Sabi ko
"So? "
"Anong so? Sundan na natin tanga" Sabi ko kaya naman tumakbo na ako at wala na siyang ibang choice kundi sundan ako hahahaha
Takbo lang kami ng takbo na halos maubusan na ng hininga. Eh kasi naman ang bilis tumakbo ng lalake, may hinahabol kasi siya, si John kaklase namin. Napansin naman namin na tumigil ang lalake sa harap ng Faculty Room. Pumasok siya doon at dahan dahan naman namin siyang sinundan.Nagtago kami ni Maureen dito sa ilalim ng lamesa.
"Napakalakas ng loob mong kalabanin ako. Hoy John tandaan mo isa karing mamamatay tao katulad ko" Sabi nung lalake. So it means killer din si John? Pero bakit?
"Tama ka, pero lahat ng ginawa kung kademomyuhan ay pinagsisisihan ko na" Sabi naman ni John
"Kahit na magsisi ka pa, huli na ang lahat para diyan, wala na nagawa muna... Pero ang tanong John, bakit mo nga pala pinatay si Teacher Rhian?"Nagulat ako sa sinabi niya. Si John ang pumatay Kay Teacher Rhian? Pero anong rason niya para Gawin yun?
" Masyado nang marami ang kanyang nalalaman tungkol sakin, kaya pinatahimik ko na siya"sabi niya.imposible kaya na Si Liza, John at yang lalake na yan ang mga killer?
Yan ang dapat kung alamin.
Nagulat kami ni Maureen ng biglang itutok ng lalake ang baril sa ulo ni John at.......*BANG*
Nagyakapan kami ni Mau dahil sa takot at gulat. Pagkatapos barilin ng lalake si John, mabilis siyang tumakbo palabas.kami naman ni Mau, naiwan na tulala dito. Hinila niya ako paalis at tumakbo kami papunta sa Rooftop.
"Imposible kaya na marami silang killer?" Tanong sakin ni Mau. Naguguluhan nanga ako eh, Sino ba talaga ang mga totoong killer?
"Siguro nga" Sagot ko naman.
"Magtulungan tayo Sam, dahil sinisigurado kung mahahanap natin sila, mahahanap din natin kung sino ang mga killer"
-----------------------
Don't forget to vote★ and comment💬.
YOU ARE READING
The killers (Gabru)
ActionSabay sabay nating basahin kung paano malalagpasan ni Samantha lahat ng mapanganib na darating sa kanyang buhay