Part 1

2.5K 59 14
                                    


"LOLO, WHAT ARE YOU DOING?"

Napangiti si Lolo Marcelo nang lingunin ang limang taong gulang na apo. Pilit na sinisilip ng bata ang computer niya mula sa study table na hindi nito maabot.

"I'm doing some stock trading, hijo. Sa labas ka na lang maglaro at wala ka namang malalaro rito."

"What is stock trading, Lolo?"

"I'm buying and selling stocks and shares from companies on the stock market over the internet...Hay. Hindi mo naman ito maiintindihan kaya sige na, maglaro ka na lang sa labas. Nasa garden sina Bruno at Romeo, hindi ba?" Ang dalawang guard dogs nila ang tinutukoy niya na laging kalaro ng kanyang nag-iisang apo.

"I don't want to play with them. They're always biting my toys."

Napansin nga ni Lolo Marcelo ang hawak na toy car ng apo na puro na bite marks. Mukhang masyadong natuwa ang mga alaga nilang aso na iyon sa naturang laruan.

"Can I stay here, Lolo? Ang init sa labas kasi...and I don't want to play with Bruno and Romeo."

"Okay. Pero huwag ka masyadong malikot, ha?"

Nagulat pa si Lolo Marcelo nang umakyat ang maliit na bata sa kanyang kandungan at nakititig sa harap ng computer monitor niya. "Beautiful colors, Lolo. I like green and red colors."

"Well, I like green better." Inayos niya ang pagkakaupo ng apo sa kandungan at itinuro ang mga guhit sa monitor na sumisimbolo sa pagtaas at pagbaba ng mga galaw ng mga binabantayan niyang kumpanya sa stock market. "I like the green upper lines specially."

"What does it mean?"

"It means more money for me, if I would play it well in the stock trading."

"You're playing, Lolo?"

"Sort of. Ang pagkakaiba lang, dumadami ang pera ko rito. Gusto mo rin ng madaming pera?" Natawa na lang si Lolo Marcelo nang mabilis at excited na tumango ang kanyang apo. "Manang-mana ka talaga sa akin. Kung ganon, tuturuan kitang maglaro rin sa stock market. Para paglaki mo, hindi mo na kailangan mamoroblema sa kung saan mo ilalagay ang mga mamanahin mo sa amin ng Lola Ising mo at sa mga magulang mo. Maganda ngang habang bata ka pa ay matuto ka na kung saan ang tamang paglalagyan ng mga pera mo."

"Pera, Lolo?"

"Yes, apo."

"I have piggybanks. I have four piggybanks."

"Itong stock market, mas maganda kaysa sa ilang libong piggybanks."

"Gusto ko ng maraming piggybanks, Lolo!"

"Then I'll tell you how you'll get more money than your piggybanks."


***************************

"HAPPY TENTH BIRTHDAY, APO!"

"Thank you, Lolo!"

"Hulaan mo kung ano ang regalo ko sa iyo."

"Stocks certificates?"

Malakas na natawa na lang si Lolo Marcelo nang ibigay niya sa apo ang envelop na naglalaman ng ilang stocks certificates. "Baka ilang taon na lang ay ikaw na talaga ang magmamana sa trono ko sa stock trading, hijo."

Ngumiti lang ang bata saka nagmamadaling nilapitan ang grupo ng mga bata na um-attend sa birthday party nito. Karamihan sa mga iyon ay mga anak ng kani-kanilang family friends. Iwinagayway at ipinagmalaki ni Michael Ross ang nakuha nitong regalo sa mga kapwa nito bata, habang walang tigil sa pagkukuwento ng tungkol sa kung ano ang ipinahihiwatig ng naturang mga inosenteng papel.

HOLY CROSS ACADEMY (on-going)Where stories live. Discover now