Part 4

538 21 3
                                    


PINAGMAMASDAN NI MICHAEL ROSS ang matayog na engrandeng gate ng Holy Cross Academy. Tila nga kumikinang pa ang mga rehas niyon dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Nasa labas na siya ng academy, kung saan niya naisipang salubungin na lang ang kanyang sundo. Nababagot na kasi talaga siya.

Actually, matagal na siyang nababagot sa paaralang ito mula pa nang araw na tumuntong siya roon tatlong taon na ang nakakaraan. He was on his third year in highschool now. Gusto niyang batiin ang sarili dahil nakatagal siya nang ganon sa naturang lugar. It's not that he hated studying. He just hated going to school. Para sa kanya, matututo ang isang bata, o tao, kahit nasaan pa siya, kung gusto talaga niyang matuto. At para sa tulad ni Michael Ross na clinically proven na mataas sa normal na average level ang IQ, going to school for three years in highschool was just a big waste of his time. Kung hindi lang dahil sa request ng lolo niya bago ito binawian ng buhay bago siya tumuntong noon sa highschool, ipagpipilitan talaga ni Michael Ross ang mag-home schooling na lang.

"Ang daming oras na nawala sa akin para sa stock trading ko."

Oo, adik pa rin siya sa paglalaro sa stock market kahit matagal nang wala ang Lolo Marcelo niya na siyang nagturo sa kanya ng lahat ng dapat niyang malaman sa larangan ng stock trading. Ang trading hours kasi sa stock market ay oras din ng mga klase niya. Hindi siya makapag-concentrate nang husto sa kanyang 'hobby' kaya tuloy ay inabot pa siya ng ilang taon bago niya nakuha ang target niyang title sa mundo ng mga negosyante. Because a few days ago, on his fifteenth birthday, he just became a legitimate billionaire.

Maaga siyang nagpasundo ngayon sa kanyang driver, bitbit ang kanyang report card, para ipaalam sa kanyang mga magulang ang tuluyan na niyang pagtigil sa pagpasok sa paaralang iyon. At wala nang magagawa ang mga ito para pigilan siya. Ni hindi na siya matatakot ng mga ito na tatanggalan ng mana dahil unang-una, alam na niya ang karapatan niya bilang legal na anak ng mga magulang at karapatan niya ang lahat ng mamanahin mula sa mga ito. Pero kung ipagkakait pa rin iyon ng mga magulang, dahil sa pagtanggi niyang magpatuloy sa pag-aaral, hindi naman iyon problema para sa kanya.

He's a billionaire now. Those were his own money that he gathered over the years of doing business in the stock market. He could literally buy a company now, if only his age would not get in the way. Alam kasi ni Michael Ross na walang negosyanteng seseryoso sa isang kinse anyos na binatilyo pagdating sa usaping negosyo.

"I'll just deal with that later. Sa ngayon, sina Mama na muna ang haharapin ko—aw!" Mabuti na lang at hindi gaanong nawalan ng balanse si Michael Ross kaya mabilis niyang nahanap ang basta na lang bumunggo sa kanya.

Isang dalagita ang nakita niyang lulugo-lugo na ngayon sa sementadong kalsada. "Araaayy..."

The girl was obviously not from his school, coz she was dressed in an ugly and old loose shirt, ragged-looking shorts and different-colored rubber slippers. Ni hindi ito mukhang nagtatrabaho sa kanilang paaralan. Hawak ng dalagita ang isang malaking bilao na mabilis nitong inabot nang tila makabawi ito sa nangyari.

"What are you doing here? This is private road. Bawal gumala-gala dito ang mga hindi estudyante o empleyado ng Holy Cross Academy."

The girl looked up to him, her forehead knotted, but slowly, recognition seemed to cross her small face as a bright smile broke on her lips.

"Ikaw 'yun!" Mabilis itong tumayo na tila ba walang anomang nangyari rito. "Ikaw nga 'yun! Grabe! Hindi ko akalaing magkikita pa uli tayo! At...wow! Tumangkad ka pang lalo! Mas lalo ka ring naging guwapo!"

Mula sa gate ay narinig ni Michael Ross ang pagkukumahog ng security guards nila na makalapit.

"Hera! Naku po!"

HOLY CROSS ACADEMY (on-going)Where stories live. Discover now