Summer

5 0 0
                                    



Summer na naman. Ito na naman ako at sasali sa isang camp sa paaralan hindi bilang isang partisipante kundi bilang isang facilitator. Ilang taon ko na bang ginagawa ito? Ilang taon na ba akong nagboboluntaryo sa ganitong camp? Siguro mula ng magtapos ako sa kolehiyo apat na taon na ang nakalipas. Mula noon hanggang ngayon, hinahatak pa rin ako pabalik sa lugar kung saan kami nagkakilala ng lalaking mahal ko. Tama, sa camp na ito nakilala ko ang taong mahal ko at kasama ko sa habangbuhay pero hindi sa bahay.


Huminto ang taxing sinasakyan ko tanda na nakarating na ako. Hindi maipaliwanag ang saya at pananabik ko. Makikita ko na naman siya. Nagbayad ako kay Manong driver at dali-daling sinukbit ang shoulder bag, sabay hila sa aking maleta palabas.


"Rasha!" tawag sa akin ng kaibigan ko. Gaya ko, matagal na rin siyang nagboboluntaryo sa camp na ito. Ewan ko ba, ang hirap iwanan sa ere ang camp na ito. Pwede naman na hindi na ako sumali dahil may trabaho na ako. Pero hindi eh. Hindi ko maiwan to. Kaya kapag summer na, una-una kaming magpapalista sa dating paaralan namin para lang magboluntaryo maging facilitator. Suki na nga raw kami ayon sa head ng OSA o Office of the Student Affairs.


Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa may mahagilap ang aking mga mata sa balkonahe sa taas. Napangiti ako sa aking nakita. Andito siya. Tinitigan ko siya nang bigla itong lumingon at nagtagpo ang aming mga mata. Bumilis ang tibok ng aking puso. Lumiwanag ang araw ko. Habang nakangiti ako sa kanya, inis at kunot-noo naman ang makikita sa mukha nito. Pinutol ko ang pagtitigan namin at hinarap ang kaibigan kong sumalubong sa akin.


"Hi Jon" masiglang bati ko at muling sumulyap sa taas. Ngunit nadismaya ako ng hindi ko na siya makita sa dating pwesto nito. Hinatak ako ng kaibigan ko paakyat para sa aking magiging kwarto. Nakayuko ako habang nasa hagdanan kami. Ito na naman ang pamilyar na damdaming ito. Ito na naman ang sakit. Inangat ko ang aking mukha at nabigla ako ng nakasalubong ko siya. Paakayat ako, pababa na siya.


"Hindi ka pa rin talaga titigil ano" matigas na sabi nito. Sasagot sana ako ngunit hindi ako makapagsalita. Umurong yata ang aking dila. Hanggang sa naramdaman kong nilagpasan niya ako. Nilingon ko siya at tanging ang matipunong likod niya ang aking nakita.

Hey It's MeWhere stories live. Discover now