"Hey, it's me"

2 0 0
                                    


"Noel sandali, bakit mo ginawa 'yun? Nakakahiya dun sa mga tao"


Hinarap niya ako na siyang pinagsisihan ko. Sana hindi ko na lang siya hinabol. Sana hindi ko na lang siya kinausap. Dahil mas sanay ako sa sakit dulot ng pag-iwas nito kaysa sa mga salitang binitawan nito.



"Ako pa?! Ako pa talaga ang nakakahiya sa ating dalawa?! Kung sabihin ko kaya sa kanila na ang cheap-cheap mo sa kakasunod sa akin! Hindi ka ba talaga titigil hah! Wala kang mapapala sa akin! Nasusuka na ako sayo! Sukang-suka na ako sa kakasunod mo! Kaya pwede ba, sumuko ka na!" sumbat nito sabay talikod sa akin.



Nanatili akong nakatayo habang pinipigilan ang aking luha. Hindi ako iiyak sa mga sinabi at ginawa niya. Hindi niya sinasadya ang lahat ng iyon. Na kahit sa loob ng walong buwan pilit niya akong tinataboy. Kailangan ko siyang intindihin. Kailangan ko siyang pagpasensyahan dahil hindi niya alam ang tunay na sitwasyon. Pumikit ako at huminga ng malalim. Napagdesisyunan kung libutin ang lugar sa huling pagkakataon. Bukas ang uwi namin, may kasayahang inihanda para mamayang gabi bilang panapos sa programa.



Sa aking paglilibot, natagpuan ko ang aking sarili sa mga lugar na espesyal sa aming dalawa. Muling bumalik sa akin ang lahat ng alaala ng aming pinagsamahan, kasabay nito ang pagbuhos ng aking luha. Dito kami sa kubong ito nagkakilala ng lubos. Dito sa badminton court kami nagbatuhan ng dahong nahuhulog mula sa mangga. Dito sa mala-karosang hardin na puno ng bulaklak siya lumuhod at dito ko rin siya sinagot. Ang mga alaalang ito ang nagpaiyak sa akin, hindi siya. Hilam na ang aking mata at sumakit ang aking ulo kaya napagdesisyonan kung magpahinga sa aming kwarto. Sa paglapat ng aking katawan sa kama ay siya ring paghila sa akin ng antok.




Gabi na nang magising ako at makarinig ng pagbukas ng pinto. Hindi ko makita kung sino ang pumasok dahil madilim sa kwarto. Kampante naman ako na kasamahan ko lang siya sa kwarto dahil hindi ito nag-atubuling magbukas ng ilaw, palatandaan na alam nito ang lugar nito sa kwarto. Tumagilid na lamang ako paharap sa saradong bintana. Pipikit na sana akong muli ng may maramdamang tumabi sa akin. Nasindak ako kaya tinulak ko ang taong iyon sabay ang pagsisigaw.



"Rasha!". Dali-daling pumasok ang mga kaibigan ko sa kwarto at binuksan ang ilaw.


Nang magkaroon ng liwanag, lumiwanag din ang hitsura ng lalaking tinulak ko. Gulat ang bumadha sa akin. Nakita ko siya sa sahig at nakahawak sa ulo nitong halatang nauntog sa katabing kama. Nakita ko siyang nasasaktan habang salo nito ang ulo nito. Narinig ko siyang humihiyaw sa sakit marahil sa lakas ng tama. Nilapitan siya ng aming mga kaibigan at saka lang ako natauhan. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang mukha. Tumigil siya sa paghiyaw at humarap sa akin na may kalituhan. Alam ko na. Heto na naman kami. Nalilito na naman siya, nagtataka at nakakunot ang noo. Minasahe ko ang kanyang noo sabay sabing,



"Hey, it's me"



Wala akong nakuhang sagot mula rito. Sanay na ako kaya ayos lang. Katahimikan ang namayani sa kwartong iyon. Muli ko siyang tiningnan at napatawa ako ng mahina, nakakunot-noo na naman siya. Ngunit nahuli ko siyang nakangiti sa akin. Nawala ang ngiti ko at kinabahan, lalo na ng magsalita siya.





"Hey, it's you,...wife"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey It's MeWhere stories live. Discover now