"Rash, okay ka lang?" alalang tanong ng kaibigan ko sa akin na tinanguan ko lang.
"Ang tapang mo rin ano? Kahit ilang buwan ng ganyan ang trato niya sayo, nagagawa mo pa rin siyang sundan"
"Intindihin na lang natin siya. Sa ating lahat, tayo ang nakakaalam sa sitwasyon niya. At saka, ganito naman siguro lahat ng nagmamahal di ba, gagawin ang lahat para sa pangakong binitawan niyong dalawa." Sagot niya rito na siyang ikanatamihik nito hanggang sa tumigil kami sa isang pinto at pumasok doon.
"Ito ang magiging kwarto nating mga babae. Sa kabilang kwarto ang mga boys at ang sunod na kwarto ay sa mga head at special guest. Doon ka sa dulo malapit sa bintana. Binakante talaga naming apat 'yan dahil alam naming paboritong pwesto mo talaga yan. Katabi ng kama mo ang kama ni Kassey. Oh pa'no, iwan muna kita rito. Tutulong muna ako doon sa hall para sa pagsalubong ng mga partisipants."
Pagkaalis nito ay inayos ko ang aking mga gamit at nagbihis na rin. Ilang sandali pa ay bumaba na ako at pumunta sa hall kung saan sinalubong ako ng mga naging kaibigan ko na rin dahil sa camp na ito. Lahat sila, alam ang nangyari sa aming dalawa. Pinaghalong saya at lungkot ang nadama nila nang malaman ang nangyari sa amin.
Napabuga ako ng hangin at saka lumapit sa kanya. Nabigla ito at muling napakunot ng noo habang nakatingin sa akin. Lihim akong natawa at hinayaan ito, kasabay nito ang unti-unting pagtusok ng karayom sa aking puso lalo na ng umalis ito sa aking tabi at lumipat ng pwesto. Nagtatangkang tumulo ang aking luha ngunit pinigilan ko ito. Naramdaman ko namang may umalo sa aking likod kaya hinarap ko at nginitian ito.
"Okay lang ako. Sanay na ako no." sabay pilit na tumawa ng mahina.
Lumipas ang mga araw, ikatlong araw na namin dito sa camp site at ganun pa rin ang trato nito sa kanya. Sa bawat lapit ko ay siya namang pag-iwas nito na para bang may nakakahawa akong sakit. Palaging kaming magkatabi sa hapagkainan sa tulong na rin ng mga kasamahan namin. Magana akong kumain subalit kabaliktaran naman sa katabi ko. Mabilis nga ang pagsubo nito na akala mo gutom. Ngunit nararamdaman kong ginagawa niya iyon upang matapos agad at umalis sa aking tabi. Hinayaan ko siya at kumain nang tahimik. Kailangan naming lahat ng lakas ngayon dahil sa larong inihanda namin sa mga partisipante. Ang larong ito ang susubok sa talino, pasensya, pagtutulongan at pagiging maparaan ng bawat isa. Isa-isang nagsitayuan ang lahat at bumalik sa hall matapos kumain. By pair ang pag-facilitate sa laro kaya hindi na ako nabigla na kami ang magkapareha. Hapon na ng may ilang pangkat ang sumubok sa larong nakatuka sa amin ngunit lahat sila ay sumuko. Lumapit ang huling pangkat. Ginawa nila ang laro at kahit ilang beses na nagkamali, hindi pa rin sila sumuko. Paubos na ang oras at kahit sa huli hindi pa rin sila sumuko.
"Maganda ang pinakita niyong lakas sa amin. Kahit pagod na kayo, at kahit hindi na kayo halos nagkakaintindihan sa grupo niyo, hindi pa rin kayo sumuko. Patuloy niyo pa ring ginagawa ang bagay na kahit alam niyong walang kasiguraduhan ang resulta. Parang pag-ibig." Abot ngiting saad ko sa kanila.
Lahat ay may ngiti sa mukha kaya nagulat kami ng may malakas na pagbagsak na kung anong bagay kaming narinig. Nilingon namin ang pinanggalingan niyon at nakita namin ang kit na nagkalat sa sahig at ang lalaking galit na umalis. Binaling ko muli ang aking atensyon sa mga taong nasa harap ko at pinabalik sila sa hall. Pinulot ko ang kit at ang laman nito at sumunod sa lalaking kasama ko na ngayon ay galit na galit.

YOU ARE READING
Hey It's Me
Short StoryHanggang kailan ka magtitiis para maibalik ang inyong dati? Hanggang kailan ka maghihintay na kanyang maalala ang inyong pagmamahalang binaon niya? Hanggang kailan ka magpapakatanga sa taong harap-harapang tinataboy ka na? "...ganito naman siguro l...