Chapter 2

22 0 0
                                    

"A dream doesn't become reality through magic; it takes sweat, determination and hardwork." - Colin Powell

After 1 week of searching for a job, i found my self being interviewed in one of the well known company in the country. Ito na yung final interview na kung saan nakasalalay ang buhay ko. ( Haha joke lang. Pero sana nga makapasok ako dito. Kasi hindi lang kilala ang Santalier Corp., kundi malaki ang suweldo ng mga empleyado dito. Diba malaking tulong ito sa aming pamilya?). Ang sungit pa naman ng HR manager nila. Parang si miss minchin lang ang peg.

"So I see you are rather an intelligent person. For you graduated in a good university." - HR manager

"Well i can say that i do work hard to accomplish where i am today ma'am" - me

"In this company you will experience a great pressure in work. Do you have any situation where in you work under pressure? - HR manager

"Yes ma'am. I do experienced it. Specially when you are a graduating student. But i actually find that i do my best work when i'm under pressure. I enjoy the challenge it gives. One time i have to finish two projects which are due on the same week. But i manage to complete them by creating a detailed time management for my schedule." - me

Grabe kinakabahan na ako. Pero dapat hindi niya makita na kabado ako. Bakit ba hindi ko mabasa ang facial expression niya. Madami pa siyang tinanong sakin regarding sa behavior and desicion making ko.

After a while nagpasalamat na sa akin si ma'am HR manager. Tatawagan nalang daw niya ako. Nawalan tuloy ako ng pag-asa. Hindi ba pagsinabing tatawagan ka nalang ibig sabihin non hindi ka pasa. Hay maghahanap na nga lang ako ng iba pang company.

******

Kasama ko sina Camilla at Ysabelle sa bahay mula pa 2nd year college kami. Pero ngayong nakapagtapos na kami, umuwi muna ang mga ito sa kanikanilang probinsya para daw magpahinga.
Hindi na ako umuwi sa amin dahil kailangan ko agad maghanap ng trabaho as soon as possible para makatulong na ako kina papa. Kaya nagiisa ako ngayon sa bahay.

Maaga akong nakauwi sa bahay dahil sa maaga natapos ang interview ko sa huling kumpanyang pinuntahan ko. Mag aalas-dos palang ngayon. Kaya dito nalang ako sa bahay kakain ng lunch ko. Para makatipid narin ako.

After 30 minutes, i heard my phone ring. I instantly accept the call. Baka kasi may tumawag na kumpanya.

"Hello" ani ko sa tumawag.

"Hello, this is Miss. Enriquez of Santalier Corp. May I speak to Miss Samantha Sandoval?" Miss Enriquez

"Yes, this is Samantha Sandoval speaking." Kinakabahan ako. Sana matanggap ako.

"Miss Sandoval, I am pleased to offer you the position as a Secretary of the company's President. If you accept the position, you have to pass all the necessary requirements and present it here in the HR office tomorrow, 9:00 in the morning. So that you can start by monday." Sabi ni Ms. Enriquez. Yes! Natanggap ako.

"Okay ma'am I'll be there. Thank you ma'am." Pasasalamat ko.

"Good bye and see you tomorrow ms. Sandoval"

"Bye ma'am and have a good day" paalam ko sa HR manager.

Pagkatapos ng tawag mula sa kumpanya, tinawagan ko agad si mama para sabihin ang magandang balita.

"Hello baby girl?" Bungad ni mama sa tawag ko.

"Hello mama, musta na po kayo? Miss ko ma kayo ni papa."

"Anak miss ka na rin namin ni papa mo. Kelan ka pala uuwi dito?"

"Ay oo nga po pala, tumawag ako para sabihing hindi muna ako makakauwi."

"Oh bakit naman anak? Pwede ka namang dito nalang maghanap ng trabaho eh. Para hindi ka na rin mag renta ng bahay diyan"

"Mama, okay na po ako dito. Mas malaki po ang magiging sahod ko dito sa siyudad. Tsaka napatawag din po ako para sabihing natanggap na po ako. May trabaho na po ang anak niyo. Hehe."

"Wow anak. Talaga?"

"Opo mama"

"Proud na proud talaga ako sa iyo baby girl."

"Mama naman. Matanda na po ako, wag niyo na akong tawaging baby girl. Nakakailang po."

"Sus, ngaun ka pa nahiya."

"Si papa nga po pala?"

"Ah nasa trabaho. Pero ako na ang magsasabi sa kanya. For sure, mas magiging proud sa iyo ang papa mong yon."

"Hehe salamat po mama"

"Sige na anak, at may niluluto pa pala ako sa kusina para sa hapunan ng papa mo. Baka masunog pa yun."

"Wow nakakainggit naman. Minsan po dadalaw ako dyan."

"Osige anak, ipagluluto kita ng paborito mong ulam."

"okay po mama. Sige po ba-bye na po. Ingat po kayo dyan lagi."

"Bbye na rin anak. Mag-ingat ka rin dyan. Gabayan ka nawa ng Diyos."tapos binaba na ni mama ang telepono.

Kailangan ko ng ayusin ang mga requirements ko para bukas. At dapat narin siguro akong maagang matulog mamaya para hindi ako malate bukas pag-punta ko sa Santalier Corp.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretary of the billionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon