5

33 28 21
                                    

Habang naglalakad ako patalikod sumigaw siya ng 'pikon'.

Nasa library kami pero kung makasigaw si Arthur parang nasa oval lang.

" wala daw ako noon. Tarantado talaga ang italianong hilaw na yun."
bubulong bulong ako sa hangin habang naglalakad papunta sa canteen.

Nagutom kasi ako bigla dahil sa Arthur na iyon.

Matapos akong makabili ng pagkain, lumakad ako ulit papunta sa paborit kong tambayan. Ang manggahan sa likod ng admin.

At doon po mga kaibigan ako nag muni muni tungkol kay Arthur.

Hindi ko nga alam kung bakit nagtya'tyaga ang Arthur na iyon sa public School samantalang ang dinig ko'y mayaman daw sila. Baka siguro naghihirap na. Siguro!
Matalino naman siya kasing talino niya si Sky. Yun nga lang magulong kausap si Arthur. Tapus lagi kang barado sa kanya. Hilig pang mang asar.

waiiiiittt. Bakit puro Arthur ang laman ng utak ko. Naku Mary Claire De Guzman. Wag mo na bata kapa.


Nagbabasa ako ng libro ng maramdaman kong bumibigat na ang mga mata ko. Pinipilit ko namang labanan ang antok. Ganito po talaga ako pag may binabasa kaya pasensya.

Muntikan na sana akong makatulog ng marinig ko ang sigaw ni Arthur.

Lumapit siya sa akin.

"Sabi na nga ba andito kalang."
tinarayan ko siya.
"Ano nanaman.!"
" ahmmm. Ano kasi...Ahmmm"
Itiniklop ko yung aklat na binabasa ko.
" Ahmm.Ahmm. Problema mo hilaw? Bakit puro ahm ahm sinasabi mo?"
" Sssshh. Sinisira mo diskarte ko eh"
piningotan ko siya sa tenga. at napaaray po siya.
" Baliw. Ano nanamang katarantaduhan ginawa mo?"
" Ganito kasi yun. My lola and her amigas is her in pinas."
" Pake ko dun?"
Naningkit ang mata niya. Hindi naman siya galit mukha lang talunan ang mukha niya sa sinabi ko.
" Can't you at least listen?"
"Duuhh. Kanina pa ako nakikinig sa bulok mong storya kuya."
" Bakit ba ang harsh mo?"
" Bakit ang daldal mo?"
" Bakit wala kang dibdib?"
agad kong kinuha ang bag,kalat,at libro ko. Aalis ako bahala siya sa life niya.

A wonderful LOVE !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon