13

20 18 5
                                    

" So? Sasakay tayo di ba? "
Naglalakad na kami pero parang wala siyang balak na sumakay kami.

" Hooyyy, hilaw tinatanong kita."
Pinalo ko siya ng malakas
" Araay. Ano ba?"
Aba. Aba. Ang sungit niya ah.
" Anong Ano ba? Wala ka bang balak na sumakay?"
" Wag ka ngang maarte. Ako nga nag titiis araw araw sa init."

Tiningnan ko siya ng pagtataka. Nagtitiis talaga.

" Sinong tanga? May pera ka pero hindi mo naman ginagamit."
" Ang daldal mo."

Nag nye-nyenye nalang ako sa kanya.

Ang awkward ng situation namin kasi tahimik siya.

" Wala kaman lang dalang payong?"
" Kung meron edi sana ginagamit na natin ngayon."

Aiiiissst. Kaasar talaga siya. Kaya tumahimik nalang ulit ako.

Habang naglalakad kami may nadaanan kaming nagbibinta ng taho.

" Miss taho,20 pesos lang po."
Sabi ng magtataho sa akin ng nasa harapan nanamin siya.
Nagulat ako sa presyo. Jusmeyo Marimar.

" Kuya ang mahal naman niyan."
Sabi ko kay mamang kuya.
" Miss ganun talaga ang buhay, minsan mahal ka minsan iniiwan ka nalang. Wala na ngang dahilan, ang iiwan pa sayo puro utang."

Ayyy. Grabe ang intense noon.

" Ayy. Kuya, dalawa niyan. Grabe naman yang pinagdadaanan mo. "

Binigyan na kami ni manong magtataho ng dalawang baso. Unfairness malaki pala yung baso with straw pa hah.

" Salamat."
Sabi ni Arthur sa akin.
Tinap ko siya sa balikat.
" Pareng Arthur. Salamat din"
Nakangiti kong sabi sa kanya.
" Bakit naman?"
Nagtatakang tanong niya.
" Kasi ikaw ang magbabayad nito."
" What?"

Aiiisstt. Sisigaw talaga sa tenga ko

" Wag ka ngang sumigaw."
Iiling-iling siyang kinukuha ang pitaka niya.

Abaaaa. Daming pera niyaa hah.
" I don't believe you. Nooo, I don't believe this."

Nagbayad na siya sa mamang magtataho at kami naman po'y nagpatuloy sa journey

A wonderful LOVE !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon