Unang Kabanata

75 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Maynila nag-iikot ikot baka sakaling makita ko sya. At nag aapply din ng part time job para naman hindi ako mahirapan. Mag-aaral din pala ako dito.

College student. 1st yr. Buti nga natanggap pa ako sa scholarship. Kase kung hindi malamang hindi ako makakapag-aral. Dapat nga 2nd yr. college na ako hindi lang talaga ako nakapag-aral last year kasi hirap talaga sa buhay.

Hindi naman kase kame mayaman kagaya ng iba. Simpleng tao lang ako. Ang pamilya ko. Lumaki nga ako sa probinsya diba.. pero kahit ganun may talino naman akong kaya kong ipagmalaki sa lahat. Kaya nagsisikap ako para makapagtapos ng pag-aaral at maisakatuparan yung mga pangarap ko... sa sarili ko sa pamilya ko at sa babaeng mahal ko.

Ako nga pala si Lionell Fajardo kasama ko ang nanay at kapatid kong babae na tatahakin ang buhay dito sa Maynila. Buti nga mabait ang amo ng nanay kase pumayag sya na tumira kame sa bahay nya. Samantalang katulong lang naman si nanay doon.

Nakahanap din ako ng trabaho sa wakas pagkatapos ng tatlong araw na paghahanap. Buti pang gabi ako. Tamang tama kase umaga ang pasok ko sa eskwelahan. Sa isang fastfood lang ako nakapag-apply. Okay nadin to kesa sa wala diba.

Mamayang gabe na agad ang pasok ko. Buti nalang at wala akong pasok sa eskwelahan ngayon bukas pa kase ang simula ng klase.

Other's POV

Hay panibagong araw nanaman. Hapon na pala kailangan ko ng bumangon para makapag-ayos at makapasok ako sa trabahong ayoko naman talaga. Wala akong magagawa ganito ang buhay ko. Sana kase naging mayaman nalang ako. Nang masampal ko ng pera ang tita ko. Bwiset sya kung hindi dahil sa kanya edi sana masay yung buhay ko ngayon sana kasama ko yung lalaking mahal ko.

Kamusta na kaya sya.. naalala ko nanaman ang inosenteng mukha ng lalaking yun. Ang kababata kong minahal ko at hindi ko manlang nasabe sa kanya yun. Bago ako tuluyang umalis.

Miss ko na din sya. Pero alam ko kung magkita man kame ngayon sa sitwasyon ko malamang hindi nya na ako matatanggap. Sino ba namang tanga ang tatanggap sa isang maruming tao diba? Katangahan nalang yun.

Sana kasi naging mayaman nalang ako. Aaarrrggghhhh! Nakakainis tuloy baket ba kase namatay pa si Daddy edi sana hindi humantong sa ganito ang buhay ko. Sana may silbi padin ako sa lipunan. Naalala ko na naman ang pagkamatay ni Daddy naiiyak na naman ako. Sya lang talaga ang taong nakaintindi sa akin. Kahit kailan di nya ko pinabayaan silang dalawa ni Mommy mas nauna lang talaga mawala sa mundo si mommy. Kaya ngayon ulilang lubos nalang ako.

Oo nga at may tita pa ako. Tita ko na walang kwenta. Walang silbi makapal ang mukha. Bwiset. Sa dinami dami ng kamag-anak ko baket sa kanya pa ako napunta.. Okay lang na maging katulong ako ng mga kamag-anak ko. Pero yung gawin akong ganito Peste hindi ko pinangarap.

Nandidiri tuloy ako sa sarili ko.

"Hoy. Babae umiiyak ka nanaman. Wag kang mag-inarte dyan baka mabugbog kita." Oh ayan ang peste kong tita. Gusto ko na nga sya murahin ng malutong. Hindi nalang ako nagsalita.  Wala din naman matutulong.

Nag-ayos na ako at dumiretso sa marumi kong trabaho.

Eto na ba ang tinatawag na kapit sa patalim? Diba mayroon namang marangal na trabaho pero eto ako at ginagawa parin kahit labag sa kalooban ko.

Nakakalungkot dating simpleng buhay lang ang mayroon ako,, sana katulad padin ng dati ang lahat.. kung pwede lang ibalik..

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon