Ikalawang Kabanata

50 3 0
                                    

Unang gabi ko ngayon sa trabaho. Di naman ganun kahirap dahil konti lang ang mga tao kapag gabi. Taga linis ako ngayon. Paiba-iba kasi ang trabaho dito sa fast food depende kung saan ka ma-assign.

Naglilinis ako ngayon ng mga lamesang ginamit ng mga costumer na kumaen kanina. Mabuti nga at mababait ang mga katrabaho ko at yung Manager namin may edad na at mabait din kaya madali ko silang nakasundo.

11pm na 11:30 out ko na, kaya tinatapos ko na lang tong gawain ko para makauwi na.

"Oh Lionell mag-out kana para makauwi kana din." sabi ng Manager namen

"Sige po Mam tatapusin ko lang tong ginagawa ko." tugon ko

"Osige." sabay ngiti

Pagkatapos ko maglinis nag-out na ako,

Pagkadating ko sa gate ng bahay nung tinitirahan namin nila nanay nakita na kaagad ako ng gwardya at pinagbuksan ng gate.

"Oh Lionell nandito kana pala. Pasok na, kanina kapa inaantay ng nanay mo." sabi ni Manong Roy ang gwardya sa mala-mansyon na bahay na ito.

"Osige po Manong Roy. Salamat po."

Pagkapasok ko nakita ko na agad si nanay.

"nay naman, baket po inantay niyo pa ako di nalang kayo natulog, masyado na pong gabi."

"Nag-aalala kasi ako sa iyo anak. Kumaen kanaba?" Si nanay talaga.

"Nay naman matanda na po ako di na ako bata. Hindi pa po nay, sige nay pumasok na po kayo at matulog na. Kakain na din po ako." Buti yung amo ni nanay hindi madamot sa pagkain. Kaya napakaswerte namin dito at siya ang naging amo ni Nanay. Si Mr&Mrs Flores. Pagkatapos kong kumain, naghilamos na kaagad ako sa kwarto na tinutulugan namin.

Yung kwarto namin dito isa lang, pero dalawa yung kama. Sa isa si nanay at yung kapatid ko. Tapos dito sa isa ako yung natutulog. Mag-aayos pala muna ako ng mga gamit ko, dahil bukas first day ko na sa school.

Pagkatapos kong mag-ayos natulog na ako.

******

First day of class, unang araw ko ngayon na papasok. Maaga akong gumising.

" oh iho unang araw mo sa paaralan hindi ba?" Sabi ni Mam Bea yung amo ni nanay.

"Opo Mam, medyo kinakabahan nga po ako eh." Tugon ko. Nandito kami sa sala, papunta sana ako sa kusina para tulungan si nanay maghanda ng breakfast nila Mam at Sir Flores.

"Baket ka naman kakabahan? Matalino ka naman."

"Salamat po. Siguro po kinakabahan ako kasi iba po ang mga eskwelahan dito sa maunila, hindi po kagaya sa probinsya."

"Naku! Wag kang kabahan kaya mo yan." Sabi ni Mr Flores na kakababa lang ng hagdan.

"Opo. Sige po maghahanda na po ako para sa pagpasok ko." Huli kong sinabe at sinuklian naman nila ng mga ngiti. Napakabait talaga nilang mag-asawa.

"Oh anak, nandiyan kana pala kumain kana. At eto yung baon mo oh." Si nanay talaga may lunchbox pa ako. Di na ako bata eh.. Haha kaya mahal ko si nanay eh, sobrang maalaga.

"Sige po nay, salamat po."

Pagkatapos kong gawin yung mga dapat kong gawin. Nagpaalam na ako kay nanay at umalis na patungo sa eskwelahan ko.

Pagkarating ko sa university natanaw ko na ang kalakihan nito at ang kagandahan nito. Napakaganda talaga. Halatang mayayaman ang nag-aaral dito. Nahihiya tuloy ako. Halos lahat sila de-kotse. Pero kaya ko 'to dahil pag-aaral ang pinunta ko dito.

Pagkapasok ko pumunta na ako sa office ng dean, kasi kukunin ko yung schedule ko.

Pagkakuha ko ng schedule ko, di ko alam kung saan building tong first subjet ko.

"Ahmmm, excuse me alam mo ba tong room #109?"

Tanong ko sa nakasalubong kong lalaki. Mukhang siga tong napagtanungan ko ah.

"Oo alam ko yan, pre halos parehas tayo ng schedule ah."

"Ah ganun ba. Blockmates pala tayo." Nakakailang naman ang daldal ng lalaking to.

"Oo dude, by the way I'm Bernard." Sabay lahad niya ng kamay

"I'm Lionell." Sabi ko, ayos to mukhang may kaibigan na kaagad ako.

"Ah tara na, baka malate pa tayo. Bye girls." Sabi niya sa mga babaeng nakapaligid sa kanya kanina. Di ko lang nabanggit.

"Nell, bago ka lang ba dito sa Maynila?" Tanong ni Bernard

"Oo eh, may hinahanap kasi ako kaya gusto ko din dito mag-aral."

"Hulaan ko babae yan no?"

"Babaeng mahal ko." Sabi ko, naalala ko na naman siya.

"Ang bading dude. Haha, dito na tayo tara na. Dun tayo sa fulo maupo."

"Haha sige." Nagsimula na ang klase.

After 3subjects. Lunch break na.

"Ang boring no? Tara girls hunting tayo." Sabi ni Bernard ng nakangisi.

"Ayoko loyal ako sa kanya."

"Hahaha. Ewan ko sayo."

Pumunta kami sa Cafeteria. May tatlong babaeng lumapit sa amin at nakikipagkilala. Nakipagkilala na lang din ako, ayoko naman maging bastos diba!

"Dude tayo pinakagwapo sa university."

"Tss."

After lunch may isa pa kaming subject. Kaya maaga uwi namin ngayon dahil wala yung sumunod na dalawang subject.

"Dude una na ako, may date pa ako eh." Sabi ni Bernard. Playboy pala ang loko. Tumangolang ako. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit umuwi na ako. 2pm palang naman. 6pm pa ang pasok ko sa trabaho.

Maganda ang simula ng araw ko sa University.

********

It's monday start na ng schhool year. At nandito parin ako sa France. Bukas ka kasi ang flight ko pauwi ng Philippines. Excited na ako. Namimiss ko nadin si Mommy at Daddy.

They don't know na uuwi ako ng Pinas at dun na mag-aaral. Duhhh.. Ayoko na dito sa France, don't get me wrong, 4years na akong nandito eh. Minsan nga lang ako dalawin nila Mommy.

Ang sad ko tuloy. May mga friends naman ako dito. Bar and boys hunting ang bonding namin. What do you expect? Mga Frances e.

Tsaka na ako magpapakilala. Walang aangal sasabunutan ko kayo. Haha...

--

Vote & Comment guys. Plss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon