"At simula nun, wag na wag na kayong maglaro malapit sa gubat na yun, kundi tatangayin kayo ng mga engkantoo. awooo. rawr." pananakot ni Lola Tessa samin.
"lolaaa nakakatakot naman ang kwentong yan. kyaah~" takot na sabi ng iilan sa mga pinsan ko kasama na si Lita at Pina habang mahigpit na yakap ang mga teddy bears nila habang yung iba nangingig na hawak ang stick nila na may marshmallow sa dulo. Pabilog na nakaupo kami sa labas ng bahay habang may bonfire sa gitna namin.
"psssh~ Nice try lola, pero di ako na niniwala jan. Ahahaha." tinawanan ko lang ang kwento ni lola. Hindi ako na niniwala sa kwento ni Lola Tessa, alam kong tinatakot nya lang kami para di kami pumasok sa gubat.
"Hindi ka ba natatakot Sisy?" bulong ni Lita na nasa tabi ko.
"Nakakatakot kaya ang kwento ni lola." bulong naman ni Pina na nasa kabilang gilid ko.
"Yoko nang maglaro malapit sa gubat." takot na takot naman tong si Lita. Paniwalang paniwala talaga o.
Ngumiti si Lola sakin, at sumensyas na lumapit ako sa kanya. "Halika." No choice ako kaya lumapit nalang ako kay lola, sana di ako kurutin dahil kumakain lang ako ng lollipop habang nag k-kwento sya.
"hija, alam kong di ka natatakot pero huwag kang sumuong sa gubat ha? Hindi natin alam kung anong mayroon sa gubat na iyan." pinat ni lola ang ulo ko kaya napa poker face ako. Si lola talaga.
"Osya, pasok na kayo sa bahay. Aapulahin ko lamang itong apoy at susunod na ako." Isa isa kaming tumayo mula sa mga troso na inuupuan namin, at isa isa na ring tumakbo papasok sa bahay ni Lola.
"Tulungan ko na po kayo lola." inalalayan ko si lola papasok ng bahay.
*
"Sipain mo na Sisy!" Rinig kong sigaw ni Pina habang patakbo pa ako para sipain ang lata. Naglalaro kasi kami ng kick-the-can.
/wooohooop!/
Tumilapon ang lata papasok sa gubat kaya napatunga-nga nalang kaming lahat. Naloko na, napasok pa talaga sa gubat?!
"Napalakas ata ang sipa mo Sisy." Sabi ni Lita habang naglalakad palapit sakin.
"Pano na yan, nasa gubat na ang lata hays." nanghihinayang naman tung si Pina. Sya naman kase nagsabi na lakasan ko ang sipa hays.
"Looks like, tapos na ang laro ah." sambit ng kakadating lang na si Kit.
Napabuntong hininga ako. Di man nila sabihin pero I know, sinisisi nila ako.
"Pssh~ Doncha worry guys. Kukunin ko nalang." Nakapamulsa kong sabi sabay lakad palapit sa gubat.
"Hoy Sisy! Bilin ni lola wag daw tayo pumasok sa gubat." Suway ni Lita.
"Eh kukunin ko lang naman ang lata, end of story. I'm sure nandun lang yun sa malapit." Tuloy pa rin ako sa paglakad.
Pumasok ako sa gubat, madilim ang gubat at makapal ang hamog. May mga cobwebs pa at ang daming lantang dahon.
" 'no batong lugar na - " magrereklamo pa sana ako nang bigla kong napansin na nag iba ang lugar, maliwanag at may mga kakaibang halaman. Ano ang lugar na to? Tumingin ako sa paligid at dun, nasulyapan ko ang lata na hinahanap ko. Naka balandara lang ito sa may ng grupo ng mga kakaibang halaman.
"Bingo. An swerte ko, di man lang ako na hirapan." agad kong kinuha ang lata at tumakbo palabas ng gubat.
"makakatakbo ka ngayon binibini, ngunit dalhin mo ito sa iyong pag uwi. Deveda ashiro en parum."
~
ABANGAN
YOU ARE READING
Cursed Beauty
FantasySi Sisy na ata ang pinakamalas na tao sa balat ng universe. Pinaniniwalaang parte ng kamalasan nya ay ang kapangitan nya. Isang sumpa umano ang may dala ng kamalasan nya sa buhay at hindi na ito magagamot pa. Not until she meet Enoxx en Quezartas. ...