~
"Ano na naman a ang trip mo San?" Tanong ko sa kanya, kung saan-saan na naman ako dadalhin ng bruhang to, uuwi pa ako samin eh, miss ko na si Momsiebels at Popsiebels.
"May pupuntahan lang tayo." Sagot nya lang saken. Nakabusangot lang ako buong byahe, hindi naman pala masyadong malayo ang pupuntahan namin at ilang sandali lang ay huminto na ang sasakyan.
"Sang lugar bato? Bat ang weird." Bulong ko nang makababa na kami sa sasakyan.
"Sa tita ko. Isa syang albolaryo." Mukhang narining ata ni San ang sinabi ko kaya sumagot naman sya.
"Bat mo naman ako ipapaalbolaryo?" Tanong ko sa kanya at napacross arms nalang.
"Ay ganun? Bulag-bulagan?" Lumapit pa tong si San sakin at pinitik ang noo ko kaya napa-aray ako. "Tenge! Para matanggal yang kamalasan mo, shunga! Tara na." Sabi nya bago ako hinila papasok sa bahay.
"Bat di mo sinabi?! Huwaaah! Ang talino mo talaga Santang kulay pink!" Tili ko pa habang hinihila ako ng bruhang kaibigan ko.
°°°
Winasiwas nung albularyo ang stem na may mga dahon sakin.
/shake-shake/
/shake-shake/
"Na engkanto ka binibini." Sabi nya habang sumulirat pa yung mata nya. Tanging white nalang ng mata nya ang nakikita ko. Ang weird ng tita ni San, syet!
"Sinasabi ko na nga ba may kakaiba sayo." Tugon pa ni San na naka upo sa gilid ko.
"Shh." Pinatahimik naman sya nung albolaryo.
"Magagamot nyo po ba ako Manang?" Nag-aalalang sabi ko. Bumilog ang mata nya at tinitigan ako. Nakakatakot naman tung si Manang.
Sana naman matanggal nya na tooo. Pagod na ako eh huhu
"Pasensya na, ngunit masyadong malakas ang sumpa sa iyo." Sabi nung albolaryo at isa isang pinatay ang mga nakasinding kandila.
"Pano na this po?" tanong ko sa kanya.
"ang marka ng paro-paro hija. Iyan ang palatandaan ng sumpa. Kung di yan matatanggal, di rin matatanggal ang isinumpa sa iyo." Sabi ng albolaryo. Oo nga, may parang butterfly na marka sa may dibdib ko. Akala ko nga noon birth mark lang eh. huhuhu di na talaga maagapan to!
°°°
"Bilisan nyo po manong! Aalis na ang bus! Manong! Ariba! Ariba! handere!" Sigaw ko na parang nagpapatakbo ng kabayo. Natense naman si Manong at halos paliparin na nya ang sasakyan.
"Sisi kalma!" Muntik ng atakihin tong si San, sya tung di makakalma.
Pagkadating namin sa terminal, akmang aalis na talaga ang huling bus kaya agad agad akong lumabas at tumakbo na parang kabayo! Mehehehe! Wait.. tama ba yun? Kambing naman ata yun! Shetsu!
"Sisy mag ingaaat ka!" Halos di ko na narinig yung sigaw ni San kasi kumaripas na ako.
"Manong drayber! Hintaay!" Kumaripas ako ng takbo habang hinahabol yung bus! Uwaaah!
"Drayber! hinto!" Sakakatakbo ko nadapa pa ako ng di oras. Sugat na naman!! Shet. Pero buti nalang at nadapa ako kase huminto yung bus! Yes!
"Ay. Maraming salamat!" Pa-ika ika akong lumakad papasok ng bus. Buti nalang talaga at nadapa ako! hahaha
"Yes sa wakas!" Sigaw ko. Ako ang pinaka huling pasaherong bumaba sa bus. Nakatayo pa rin ako ngayon dito sa pinto at fineel ang hangin na tumatama sa mukha ko.
YOU ARE READING
Cursed Beauty
FantasySi Sisy na ata ang pinakamalas na tao sa balat ng universe. Pinaniniwalaang parte ng kamalasan nya ay ang kapangitan nya. Isang sumpa umano ang may dala ng kamalasan nya sa buhay at hindi na ito magagamot pa. Not until she meet Enoxx en Quezartas. ...