PROLOGUE

6.8K 56 0
                                    

                                                 Aurora

Dati pinangarap ko lang makapag aral sa isang mamahaling unibersidad na ang nakakapasok lamang ay ang mga may kaya sa buhay at mayayaman.
Mga may kayang makapagbayad ng malalaking matrikula.

Pinangarap ko na sana makapasok ako sa paaralang matagal ko nang inaasam,pero dahil nga hindi ko kayang makapagbayad ng mga malalaking matrikula at kinaya lamang ng aming pera ay ang makapasok ako sa isang pampublikong paaralan pero nagpapasalamat parin ako sa aking nanay dahil kahit hirap kami sa aming pamumuhay pinilit parin niya akong pag aralin naaawa na nga ako kay inay dahil kahit hirap na hirap na siya sa pagtatrabaho todo kayod parin sya para mapag aral at mapakain nya ako sa araw araw.

Mag isang kumakayod si nanay para sa aming pang araw araw, ang nanay ko ay isang single mother kinuwento sa akin ni nanay na dapat ay magpapakasal sila ni tatay dahil mahal na mahal nila ang isat isa ngunit tutol ang mga magulang ni tatay sa pagmamahalan nila ni nanay binantaan nila si nanay na kapag hindi niya nilayuan si tatay ay babagsak ang kanilang kompanya at mawawalan ng mana ang aking tatay oo mayaman ang aking ama mayroon silang mga pag aari tulad nalang ng isang restaurants,Mall,at voice record company,ayaw pa sana ni nanay layuan si tatay pero nasasaktan na sya sa mga masasakit na binabatong salita ng mga magulang ni itay okay lang sana kung sabihan nila kami na mahirap pero ang mas nakapanakit sa aking damdamin ay ang sabihin nila sa amin na "makakasagabal lan kayo ng anak mo sa pang araw araw ng aking anak hindi kayo nababagay sa aming anak dahal gold digger at hampas lupa kayo,magpapakasal ang anak namin sa unica hija ng mga Monte Mayor kaya wag na kayong babalik ng anak mo dahil sagabal lang kayo sa aming anak" Hagulgol ng hagulgol si nanay habang ikinikwento nya sa akin lahat ng iyan napakasakit isipin na yung sarili mong mga lolo at lola ay hindi kami matanggap ang sakit kaya natutu ako na wag umasa sa iba dahil sa huli hulihan ng buhay mo ikaw lang din ang tanging taong makakatulong sa sarili mo kaya tulad ni nanay kumayod din ako para sa aming pang araw araw hindi naman pwedeng umasa nalang ako sa aking nanay malaki na ako kailangan ko na siyang tulungan.

Mahal na mahal ko ang aking nanay i admire her a lot because though she's a single mom she managed to give me a good life that's why i owe her my life, minahal ako ng aking nanay sa abot ng kanyang makakaya kaya laking pasasalamat ko sa kanya na binigyan nya ako ng isang magandang buhay kasama sya.

Dapat nga hindi ko na itutuloy ang aking pag aaral dahil gusto ko na lang tumulong sa kanya sa pagtatrabaho pero hindi sya pumayag pinagsabihan nya pa nga ako na"anak tapusin mo yung pag aaral mo ayos lang si nanay tapusin mo yan hindi para sa akin kung hindi para sa mga pangarap mong gusto mong matupad balang araw kaya kahit anak nakikita mo akong nahihirapan huwag mong iisipin na gusto mong tumigil sa pag aaral dahil kumakayod ako hindi lamang para tayo ay makakain kumakayod ako sa abot ng aking makakaya mapag aral ka lang anak naiintindihan mo ba si nanay,tumango naman ako sa sinabi nyang yon o siya mag aral ka ng mabuti ok i love you nak,love you too nay"napakabait ng aking nanay kaya hindi ako tumigil sa aking pag aaral.

Nung pumasok ako sinalubong agad ako ng yakap ng aking matalik na kaibigan slash parang kapatid ko na rin.

"Beshie" patiling sabi ni Aurelia.

"Oh Bakit?" "Grabe ka naman hindi mo ba ko namiss? " nagdadramang tanong nya sakin, yan na naman po sya nagdadrama nanaman hays.

"Na miss bakit ba ang bibo mo ngayon ha parang hindi ikaw yung babaeng naging kaibigan ko ah ang Aureliang kilala ko kasi ay Medyo tahimik pag maraming taong nakatingin pero pag tayong dalawa naman mas malikot pa sa kite kite".

"Makakitekite ka naman Aurora ha" nakasimangot niyang sabi sa akin, ang cute nya talaga kahit kailan.

"Bakit totoo naman ah para kang kite kite Aurelia Angelica, Bakit hindi ba totoo"
"Totoo pero eh wag mo na sakin ipamukha na para kong kite kite pag kasama kita"Nakapout na sabi nya sakin.

Natawa naman ako sa pag dadrama nyang yon.
"Pero ano nga bakit parang ang bibo mo ngayon ha?" Takang tanong ko sa kanya.

"Kasi Pupunta dito yung principal ng Cresantium High University yah"Patili nyang sabi, ang CHU o mas kilalang tawag bilang Cresantium High University yan ang pinapangarap kong school simula pagkabata ko sa kadahilanang....Wala, joke lang syempre sa kadahilanang Meron akong kaibigan doon ang kanyang pangalan ay "Hailey Alexandra Isabella Dennisse Gonzales o mas kilala bilang Haid", Meron din akong isa pang kaibigan don, Actually kakakilala ko lang sa kanya kahapon dahil kay Aurelia ang pangalan niya ay "Lorrainea Arabella Isabella Nathalia Gonzaga" O diba magkaka rhythm yung name nya,Taray she hate her First name Lorrainea para daw baduy yung name nya,Kaya natatawa ako Lorraine nalang daw o Lain mas maganda pa.

"Oh Tapos anong gagawin natin kung pumunta yung principal ng CHU magpapaparty,magtatatalon o mag pa videoke"sarcastic kong sabi.

"Eh ang KJ mo naman di ka ba masaya at makikita na natin sila Haid at Lain"Nakapout nyang tanong sa akin

"Sige nga pano ko sasaya kung hanggang pangarap nalang naman yung sinasabi mo hays tsaka pano natin makikita sila Lain at haid kung ne makaapak pa nga lang don eh hinaharangan na tayo dun makapasok pa kaya hays"

"Gaga kaya nga pupunta yung principal ng CHU dito para makapaghanap ng pwedeng maging Scholar satin dito eh"

"Ah ganun ba sige by- ano naghahanap sila ng scholar!?" Pasigaw na Sabi ko sa kanya

"Oo kaya nga halika na sana makapasok tayo dun no"How i wish sana nga makapasok nga muna good mood ako ngayon!!..

The Possessive Him (Series 1)Where stories live. Discover now