Utang Yaman
Oy, Juan! Utang na loob!
Ipambayad man ang puno ng niyog,
Bayabas man ay mahulog,
Utang ni lola’t loo ‘di mabawasan
Oy, Maria! Utang na loob!
Alakansyang pinuno ng barya,
Kinabukasan ubos ang karga;
Pinambili ng ulam’t sabon
Oy, Juan! Utang na loob!
Humiram ng datong sa banko,
Pambayad sa utang kay Pedro;
Likod, dumoble ang patong
Oy, Maria! Utang na loob!
Bigas, inunti-unti;
Sikmuraý, humapdi-hapdi;
Tiring barya sa alkansya, pinambili ng asin
Oy, Juan! Utang na loob!
Lumuwas ng Maynila,
Tatlong trabahong kayod kabayo;
Perang kinita, ‘di magkasya
Utang sa banko, napabayaan
Oy, Maria! Utang na loob!
Umutang kay Aling Nena,
Lumuwas ng Maynila
Namasukang labandera;
Perang kinita, ‘di magkasya
Juan’g galling trabaho,
Si Mariaý nabunggo
Mga matang nagkatagpo;
Nagtaliang mga puso
Tatlong taong kayod,
Si Junior nabuo,
Gastusin dumoble;
Interes ni utang, trumiple
Tanging Yaman;
Utang na lamang.
Kawawang Junior,
Ang tanging tagapagmana