Lamikmik

11 1 0
                                    

Isang babae.
Isang babaeng tila nakakapipe,
Nakakapipe, dahil sa taglay niyang paghele.
Paghele, na kahit kamay lang ang gamit ay sadyang nakakaparine.

Isang babae.
Isang babaeng balingkinitan ang katawan,
Na akala mo'y sukat na sukat ang bawat diyan.
Sukat.
Sukat na sukat at bilang na bilang ang letra at salitang lumalabas sa pinagmumulan.

Oh isang babae.
Isang babaeng nasa gilid lang parati.
Pero kung umabante, sadyang mapapa "Woops! May elegante."

Duwag sa kanya'y bansag,
Pero siya'y hindi natitinag.
Kahit anong salita'y walang sagot,
Tila nakakabingi nga itong si irog.

Unang araw sa kantina, siya'y aking sinitsitan pero sagot niya lang ay paghawak ng panulat sabay upo diyan.

Pangalawang araw sa silid-aralan, siya'y aking tinanong at sagot ay ngiti lang.
O siyang hirap naman talagang puntahan.

'Di ko na alam kung paano ko lalapitan, dahil sadyang bakod nya'y parang aserong tarangkahan kahit ito'y lapis at papel lamang.

Papel niya'y kalakas, humpas ng kanyang kamay ika'y mapapaatras.
Tinig ma'y malas, mata nama'y pagsawagas.

Oh aking binibining hindi makausap,
Halika't sumangguni saking mga yakap.
Hayaan mo silang puro salita,
Dito saking piling ay hindi ka mapaparalisa.

Isang araw nakita kita sa silid-aklatan, tinanong kita kung anong libro ba ang iyong hanap.
Ngunit, ikaw lamang ay umiling at tumingin na sa alapaap.

Nais kong ipabatid sa iyo, na sa ingay ay huwag papatalo.
Dahil ilang henerasyon man ang dumayo, katahimikan mo'y sadyang maaalala ko.

Ngunit akala ko lang pala na ika'y tahimik na sadya, mali pala.
Dahil isang araw sabi ng madla, mga sulat mo'y nagkalat.
Mga kumento, positibo at maraming negatibo ang iyong natanggap bigla.
Huwag kang magalala, 'yan lamang ay mga bulok na talangka.

Mukha mo'y walang pake, 'yon pala'y bayan ang hindi makasaksi.
Mga salitang mong tagos sa utak at saksak sa puso, ang sadyang naglabas ng oras para sumigaw kahit nakasara ang 'yong bibig.

Duwag daw ang magsulat nang nakatalikod,
ngunit may isip lamang ang makakaunawa na mahalaga ang tamang oras sa bawat paggawa.

Shh, tahimik lang, 'di mo alam, nasulatan ka
na niyan.
Dahil mapa 80s, 90s o milenyo man yan,
diwa mo'y panglatha sa kasaysayan.

Kahit ika'y lumayag at makahanap man ng pagibig sa 'Barcelona', huwag kang mangamba dahil 'Kita Kita'.

Kahit ang katahimikan mo'y 'Can't Help', ayos lang kasi 'Never Not Love You' naman ang aking peg.

Sadyang kay lakas naman talaga ng katahimikang taglay, kahit si Fernando Poe Junior ay hindi kayang mapantayan.

Oh aking sinta, ayos lang kahit wala kang sabihin dahil alam ko narin.
Palathala mo 'kong inibig nang tahimik, ang dapat sayo'y patulang ipamahagi.

Nagpakalayo ka pa lalo para sa katahimikan, at itong puso ko'y nadurog nang hindi mo alam. Pag ibig ko sayo'y mauuwi nga lang din ba sa malayang pagtula at paglakbay na walang hahantungang pantalan?

Lahat ng sakripisyo, pangarap, pawis at damdaming inalay mo, karapat dapat ka naman talagang bigyan ng palasyo, oh aking lamikmik na paraiso.

Lamikmik (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon