•_First_•

1.6K 40 22
                                    

FIRST CHAPTER:
BEST FRIEND

Left. Right. Left. Right-. Sabi ko sa isip ko habang mabagal na naglalakad sa sidewalk patungong George Ambrose International School.

Wala naman talaga akong ganang umaral eh. Pumupunta lang ako araw-araw dito para makikain sa buffet canteen namin. Masasarap kasi mg pagkain 'dun. Parang nasa hotel ka nga lang. Ang sosyal pa, may mga lamesang naka skirting at mga kandila pa. Pagpasok mo dun iisipin mo nalang na hindi ata to canteen eh. Mukha ngang venue ng debut.

Nung nasa tapat na ako ng front gate ng school, pinakita ko kaagad ang ID ko sa isang scanner sa may gilid ng gate. Agad namang itong bumukas. O diba, pang-mayaman! Mahigpit talaga ang school namin. Walang mga cases ng bullying or truancy sa school namin. Dahil kapag may nangyaring ganon, paniguradong maeexpell ka talaga. Pero actually may nangyari na talagang ganun. 'Di nga lang sinusumbong sa office e.

Pumasok na ako, at sa unang tapak ko palang sa loob, nag-ring na ang bell. Sh*t!  Kasalanan kasi 'to ni kuya eh! Alam niya namang day-off ng driver, hindi niya pa ako ipapasakay sa kotse niya.

Nakakatampo talaga siya. Ayan tuloy, late na ako. Ang saya noh? First day of school late ako.

Wala ng tao ngayon sa harap ng main building, dahil nagsipuntahan na ang mga estudyante sa kanya-kanyang mga silid. Di nalang kaya ako papasok?

Lalakad na sana ako patungo sa main gate nang biglang may umakbay sa'kin. Pagkalingon ko-

-Ang 'lang hiyang best friend ko lang naman. -_-

"Good morning Kennedy Storm Luxiveda!" masiglang bati niya. Aba't ang isang 'to. Alam naman niyang hindi ko gustong tinatawag ako sa full name ko. Nababaduyan ako sa pangalan ko.

"Oh ano?" pagtataray ko sa kanya, pero mukhang hindi siya natinag. Nasanay na kaya?

"Na-late ako dahil sa'yo kaya ilibre mo ako." utos niya sa'kin. Binatukan ko naman.

"Ako pa talaga sinisi mo." inis ko siyang binatukan ulit, pero ngayon MAX POWER na. +100 Attack Speed.

"Aray naman! Hinintay kaya kita! Pasalamat ka ngang may kasama kang late!" sabi niya sabay himas ng binatukan ko.

"Sino ba nagsabing hintayin mo ako?"

"Hinintay na nga kita ikaw pa nagagalit. Tapos pag hindi kita hinintay magagalit ka 'rin."

Eh nemen kese.

"Halika ka na nga. Libre na kita. Nahiya naman kasi ako sayo." ani ko sabay hila ng kamay niya. Pinuwersahan ko talaga ang paghatak sa kanya para malaman niya na naiinis ako sa kanya.

"Hinay hinay lang!" reklamo niya. Sinagot ko naman soya ng isang irap.

Padabog akong naglakad para feel na feel niya ang galit ko. Late na nga kami magpapalibre pa ang isang 'to.

"Hoy! Ba't ka nagmamartsa? Feeling army ka?"

"Hindi ako army pero A.R.M.Y ako."

Narinig ko naman siyang nag-huh? 'Di ko nalang siya pinansin sapagkat malapit na kami sa aming destinasyon.


My Undeniably Handsome Crush Loves PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon