•_Second_•

822 26 0
                                    

SECOND CHAPTER:
CAR RIDE (unedited)

[STORM'S POV]

Nagising ako dahil may naramdaman akong basang likwido sa pisnge ko. Nang hinawakan ko, malagkit ito. Napabangon nalang ako dahil may dumila sa magkabilang pisnge ko. Meron ring dumila sa paa ko. Alam ko na kaagad kung sino-sino ang dumila sa'kin.

Sino pa ba edi sina ChimChim at Soji. Medyo nagtataka ako dahil wala na si Quenton sa tabi ko. Naligo na ako at nagbihis nang mainit at makati kong school uniform. Tsk!

Nang lumabas na ako sa kwarto ko lumabas na rin ang mga aso ko at gumala-gala sa malaking sala namin.

Bumaba na ako sa hagdan at dumiretso sa dining area namin, nakita ko naman agad si kuya. "Kuya, anong ulam?" tanong ko habang humahakbang palapit sa kanya.

"Tignan mo para malaman mo. Para saan pa ba 'yang mata mo? " sabi niya. Aba't paker siya ah. Umirap lang ako sa kanya.

"Natural tinanong kita dahil masmalapit ka. Para saan pa 'yang utak mo kung hindi mo rin gagamitin?" bulong ko sa sarili ko. Lumapit na ako sa dining area at umupo sa upuan. Alangan namang sa lamesa ako uupo?

Tinignan ko naman ang nakaahin na ulam sa table namin. Merong porkchop at ham. Tsk. "Kuya, asan 'yung ulam ko?" iritang tanong ko.

Tinuro naman niya ang kusina. Pumasok ako at nakita ko ang ulam ko sa counter.

Yes! My favorite, vegetable salad!

Pumunta na ulit ako sa hapag-kainan at dinala ang vegie salad ko. Nang makita iyon ni kuya, gumawa agad siya ng ekspresyon na parang nasusuka siya. Tss. Duh! Ano pa bang aasahan mo sa kanya, wala 'yang ibang alam na ulam kundi baboy at manok. Hindi kasi ako kumakain ng kahit anong klase ng meat tuwing breakfast. Either vegetables or fruits lang ang kinakain ko, sinanay kasi ako ni mama eh kaya ayun naging paborito ko na ang mga vegetables.  Pero syempre hindi talaga mawawala ang sweets. Especially, ice-cream.

"Ano ba 'yan, Storm! Ambaho naman ng ulam mo." sabi ni kuya habang iniipit ang ilong iya gamit ang kanyang hinlalaki at hintuturo.

"Hala! Ang arte arte mo. Bakit ano ba ang baho niya?" tanong ko.

"Amoy gulay, yuck!"

"Aba't ang arte mo ah!" sabi ko at tinapat sa mukha niya ang bowl ng vegetable salad.

"Nana! Si Stormy oh!"

Pinalapit ko pa sa kanya ang hawak kong vegetable salad.

Bigla naman siyang tumili na parang babae at nagmadaling kinuha ang bag niya tapos dumiretso sa labas ng bahay at sumakay sa kotse niya.

"Nahiya naman ako sa ulam niya. Mukhang hindi nga luto eh. Yuck! " bulong ko pero mukhang narinig niya.

"Hindi ka lang kasi kumakain ng karne, tignan mo oh, mukha ka nang skeleton!" sabi niya sabay tawa ng napakalakas. Tinignan ko siya ng masama. Mas gugustuhin ko pang pagsabihan ako na mataba kesa sa mapayat. Tsk.

Tumayo na siya at lumabas diretso sa sasakyan niya.

"Hoy! Sasakay ako, wait lang!"

My Undeniably Handsome Crush Loves PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon