PROLOGUE

98 1 1
                                    

PROLOGUE

<3 <3 <3

"ANOOOO TOOOOOHHHH?!" This can't be! Hindi to totoo! Nooooo~

Biglang kumalabog ang pintuan hudyat na may pumasok sa kwarto ko pero wala akong pakialam! Ang gusto ko lang malaman, ANONG KALOKOHAN ITONG NAKIKITA KO?!

"Hoy bruha! Anong nangyari?!" rinig kong sigaw ni Ugly.

Owkey~ BEAUTY ang pangalan nya pero mas type ko syang tawaging UGLY. ×___×

Hindi ko sya hinarap at nakatutok pa rin ako sa Monitor ng computer ko.

"Hoy bruha! Tinatanong kita, anyaree?!" sigaw ulit ni Ugly

"Huhuhuhu~ Ugly, sabihin mo sakeng PEKE lang tong nakikita ko! Sabihin mo sakeng Joke joke lang toh... huhuhu~ Ugly, say it to me! Sabihin mo saken na nananaginip lang ako!"

Hindi ko na kaya! Sana isang masamang panaginip lang ito!

"Ay sus, ang O.A mong bruha ka. Patingin nga, ano ba yan?" Naramdaman kong lumapit si Ugly.

Tinitigan nyang mabuti ang monitor ng pc ko. Habang ako, nakatitig pa rin. Nagbabakasakaling namamali lang ako ng tingin at after some time, maiiba na yang nasa screen.

"Oh my gee Ehu! Is it real, is it real?" Ang bruha, tinono pa sa DALANDAN na patalastas.

"HINDI! PEKE LANG YAN! SCAM!" Bulyaw ko sa pagmumuka nya

Hindi talaga yan totoo! THAT'S FAKE!

"Weh? Wait nga. Basahin ko."

Mas inilapit nya ang muka nya sa screen.

Ipinikit ko ng madiin ang mata ko habang hinihintay ang sasabihin ng pinsan ko.

Hindi ko pa kasi binabasa ng buo yung article. Yung picture lang ang tinitigan ko kanina.

At sana--- EDITED LANG YUNG PICTURE.

Taimtim akong nagdadasal habang nakapikit.

'Papa Jesus, promise hindi na ko mangungupit kay mama. Hindi ko na itatago ang tsinelas ni Ugly. Hindi ko na mumurahin sa isip ko ang mga prof ko. Mag-aaral na po ako ng mabuti~ basta po sabihin nyo lang sakeng HINDI TO TOTOO.'

"aawww. Ehu, totoo nga." Biglang sabi ni Ugly

Minulat ko ang mata ko at inalog alog sya.

"NOO! HINDI MAAARI! PEKE LANG YAN! JOKE JOKE LANG YAN! HINDI PWEDE! NAGPROPOSE PA LANG SAKEN KAHAPON SI BAEKHYUN! IKAKASAL PA KAMI! MAGKAKARON PA KAMI NG ISANG MILYONG ANAK! SINABI NYA SAKEN NA AKO ANG MAHAL NYA! NANGAKO SYA SAKEN NA AKO LANG!!!!!"

Natulala si Ugly dahil sa pagsigaw ko, habang ako, hingal na hingal.

Speechless ang bruha. >___<

"H-huminahon ka lang E-ehu.." Bakas sa boses ni Ugly na natatakot sya.

Waaah! Siguro nag-transform na naman ako into a monster?!

Binitawan ko sya at tumingin ulit sa monitor.

'The SM Entertainment confirmed that Taeyeon of SNSD and Byun Baekhyun of EXO-K are officially dating. Not only dating but they are in a relationship.'

"PUTANGINAAAAAAAAAA!!!!!"

T_____________T

<3 <3 <3

Mga bebe, ganyan na ganyan yung reaksyon ko nung nabasa ko yung balita about kina Baekhyun. LOL

---> Si Ehu yung nasa multimedia. Ganda noh? Parang ako lang. XD

ANTI-BAEKYEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon