CHAPTER 1
<3 <3 <3
Ehu's POV
"Bruha, kumain ka na.. Nung isang araw ka pa hindi kumakain.." Biglang sulpot ni Ugly.
Hindi ko sya pinansin. Nanatili lang akong nakatingin sa poster ni Baekhyun.
Hindi pa rin ako nakakamoved on... at hinding hindi ako makakamoved on!
Mahal na mahal ko si Byun Baekhyun! T.T
"Ay ganun? No comment? Hoy bruha! Sumusobra ka na! Kaartehan na yan! Maka-emote wagas eh ni hindi mo pa nga nakikita sa personal si Baekla! Gising teh!" sigaw ni Ugly
Pasira tong panget na toh!
"Huwaaaaah! Ugly! hindi ko na kaya! Mamamatay na kooo! Hindi ko keri toh! Ang sakit sakit~ Binigay ko sa kanya ang lahat! Ang puso ko, ang kaluluwa ko! ang katawan ko! pero anong ginawa nya?! Binaboy nya ko!"
O.A na kung O.A pero yun talaga ang nararamdaman ko.
Sobrang sakit.. Yung tipong... Gusto mo ng maglaslas?!
"Tumigil ka nga Ehu! Ang O.A mo! Maka-emote ka todamax! Eh hindi nya nga alam na nag-exist pala ang isang EHU MENDEZ sa mundo! Gagi ka gurl! Hindi ka nga nya kilala! Marami pa namang member ang EXO diba? Hanap ka na lang ng iba!"
Minsan ang sarap itapon ni Ugly sa Ilog Pasig. =___= Panira ng moment.
"Ayoko! Si Byun Baekhyun lang ang gusto ko! Suskooooo! Pupunta ako ng SoKor!"
Tama! Yun lang ang tanging paraan para mapasa-akin ulit si Baekhyun!
"Nggiie~ ay naku bruha! Paano ka naman dun pupunta aber?" nakapa-mewang na tanong ni Ugly
"Aba natural sasakay ng airplane! Anong gusto mo?! Maglakad ako?! Ang tanga mo pag may time Ugly! Sentido Komon!" asus! Ang syunga syunga talaga ng pinsan ko!
"Gaga ka! Ako pa ang tanga?! For your information Ehu, wala kang passport at Visa!"
huh?
"Kailangan pa ba nun?" taka kong tanong
Napasapo ng noo si Ugly.
"Sus mariya. Ang hirap magkaron ng palpal na pinsan." bulong nya pero rinig rinig ko naman kaya nabigyan ko sya ng aking power-sapok.
"Aray ko! Oo! Kailangan nun!" inis nyang sigaw habang hinihimas yung ulo nya
Ahm.. ano pa kayang ibang paraan para makapunta sa Korea?
"Eh kung ipa-LBC mo kaya ako?" suggest ko.
*Boink*
"Ouchy!" Lintik. Ako naman ang sinapok. >___<
"Gaga ka! Wala naman dung LBC!"
Ahhh. wala ba? Akala ko meron. hahaha! XD
"Ah basta! Gagawa ako ng paraan para makapunta dun! Kukuha ako ng passport at Visa!" pursigido kong sigaw habang naka'aja' pose
"Nyiiie~ kailangan mo ng maraming pera para dun!" - Ugly
Bwisit naman! Pera?! Eh ni piso wala ako!
"Edi magtatrabaho ako!" Push mo yan Ehu! ^___^
"Ay sus, Ano namang aapplyan mo?" Tanong ni Ugly habang nakataas ang isang kilay
"Basta.. kahit anong sideline job jan basta yung pang-disente. Syempre, ayoko ng trabaho ni Magdalena, kailangan kong i-preserve tong virginity ko kay Baekhyun!"
*boink*
"aray ha! Nakakadalawa ka na!" Inis tong si ugly! Makabatok wagas!
"Kung ano ano kasing iniisip mo!"
Inirapan ko lang sya.
haaayy... Pano kaya ako makakapunta sa Korea?
<3 <3 <3
Next Chapter ~ Flight na ni Ehu papuntang SoKor. :)
--> Si Ugly sa multimedia. Cute noh?
- LoveisEFF
BINABASA MO ANG
ANTI-BAEKYEON
Teen FictionANTI-BAEKYEON Note: Mga bebe, hindi po ako HATER o BASHER ng 'BAEKYEON'... Ahm, slight lang. XD haha! Love ko po kasi si Baekhyun kaya medyo nabroken hearted ako. achuchu~ Pero di bale, available pa naman si Luhan. haha! Gagawin ko tong storya na t...