Older version

464 8 9
                                    

College tayo nung nakilala kita. Bwisit na bwisit ka sa akin noon. Hate at first sight ako sa’yo noon. Yung mga kaibigan mo kasi, tumitili, manghahampas dahil sa kilig tuwing dadaan ako. May crush kasi sila sa akin noon. Pero crush lang, simpleng pag hanga. Lagi mo akong iniisnob noon.

Ako naman, isa ako sa mga lalaking interesado sa mga babaeng wala ni kakaunting interes sa kanila. Nakakacurious sa totoo lang.

Classmate at seatmate pa kita noon. Naisipan ko na pwedeng-pwede kita guluhin. Kinulit-kulit kita tuwing break. Kakalabitin kita ng paulit-ulit hanggang sa tumingin ka sa akin. Sasabihin ko lang ay “Hi.” or minsan ngingiti lang ako sa iyo. Magtatanong ako tungkol sa sarili mo at magbibigay naman ako ng impormasyon tungkol sa akin. Kadalasang hindi mo ako pinapansin, at pag pinansin mo naman ako, mababara pa ako. Napansin kong naiinis ka na rin sa mga pinaggagagawa ko kaya titigilan na sana kita noon nang humingi ka ng tulong sa akin. Nagulat ako noon pero ang sabi ko na lang “Sige.” at tinanong kung saan mo kailangan ng tulong.

Hindi mo pala nagawa ang assignment. Makikikopya ka sa akin. Kahit matalino ka, mahirap pa rin kumpletuhin iyon ng mag-isa kaya agad naman akong pumayag. Nag-thank you ka pero hindi mo ako tinignan. Nahihiya ka pa sa akin noon. Nakakatuwa ka. Ang cute mo nung ginawa mo ‘yon.

Nalaman kong mas nataasan mo pa ako. Sa totoo lang, hindi sumama ang loob ko sa’yo. At dahil doon, nilibre mo ako. Nakikipagkwentuhan ka na sa akin at hanggang sa araw-araw tayong magkasama tuwing break. Hinahatid kita pauwi, ka-partner kita sa ibang projects at minsan pumupunta tayo sa mall para mamasyal. Naging close na talaga tayo.

Isang araw, niyaya kitang maglakwatsa dahil ang boring sa bahay. Pumayag ka naman agad since ganoon din ang sitwasyon mo. Nagkita tayo sa mall. Kumain tayo at nagwindow shopping. Nagpalamig na rin tayo noon dahil mainit ang panahon.

Pumunta tayo sa park. Medyo madilim na rin noon. Habang kumakain tayo ng ice cream naglakad-lakad na lang tayo at tahimik na tumitingin sa paligid. Pinagmasdan kita, pinag-aralan ko ang mga features mo. Maganda ka nga talaga, dinedeny mo lang. Naisip ko kung pa’no tayo naging close.

Napansin ko kung pa’no ka nagandahan nung in-on na ang mga ilaw sa park. Gandang-ganda ka sa mga kulay nito. Nagstay muna tayo ng mga ilang minuto bago umuwi. Nung kailangan mo na umuwi, tumayo ka na at tumayo na rin ako dahil ihahatid pa kita. Sa katunayan, ayaw mo ng nagpapahatid, makulit lang talaga ako.

Nang mahatid na kita sa bahay ninyo, humarap ka sa akin at nag-thank you. Sinabi mo na nag-enjoy ka ng sobra at ngumiti. Sabi ko na lang na nag-enjoy din ako, talaga namang nag-enjoy ako at ngumiti rin. Bumilis tibok ng puso ko nung ngumiti ka sa akin. Hindi kita maalis sa isip ko noon. Lagi kong naaalala ang ngiti mo na nagpapangiti rin sa akin.

Maaalalahanin, mabait, may sense of humor, malaki ang pagpapahalaga mo sa mga relationship mo sa pamilya at mga kaibigan mo. Na-realize ko na may gusto ako sa’yo. Keeper ka talaga, tanga ko lang kasi pinakawalan pa kita.

One month after, nagtapat ako sa’yo. At nalaman ko na ganoon din pala ang nararamdaman mo. Niligawan kita for eight months. Lagi tayong magkasama, nagtetext, nagtutulungan. At alam kong hindi na kita gusto noon, kasi mahal na talaga kita.

Nagshift ako ng course kaya nagkahiwalay tayo. Nauna kang grumaduate sa akin at after two months may trabaho ka na. May apartment ka na malapit sa university kaya doon ako nagpapahinga tuwing break. Magkaiba ang schedule natin kaya hindi tayo nagkita nang halos dalawang buwan. Dahil mag-isa lang ako doon, nagdadala ako ng mga kaibigan. Hanggang sa babae na ang dinadala ko.

Isang gabi nagdala ako ng babae sa apartment mo. Nagulat ako nang makita kitang nakaupo sa sala at mukhang naghihintay. Nag-absent ka pala dahil anniversary natin noon at gusto mo mag-celebrate. Lumingon ka sa akin at nanlaki ang mga mata mo. Alam kong gusto mo nang umiyak noon pero pinipigilan mo. Hinila mo ako papalabas papunta sa isang pamilyar na lugar. Huminga ka ng malalim para hindi ka tuluyang umiyak at nag-umpisang magsalita.

“Alam ko ang mga ginagawa mo tuwing wala ako... Alam kong nagdadala ka ng mga babae. One year na... Pero nagpakatanga ko kasi umasa ako. Umasa ako na magbabago ka, na sana naman hindi sa mga mahahalagang araw. Na-marerealize mo ang pagkakamali mo... Sana sinabi mo na lang kung ayaw mo na. ‘Yan tuloy.” Medyo natatawang sambit mo pa.

“S-so-sorry.” Ang tanging nasagot ko. Nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Tiniis mo ‘yun para sa atin. Sana na-realize ko na ang pagkakamali ko noon pa.

“Hindi. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Umasa kasi ako e. Pinagpilitan ko pa sa sarili ko na magbabago ka balang araw. Kaya...Sorry. Sige, una na ako.” Pinipigil mo pa rin umiyak pero tuluyan nang umagos ang mga luha mo nang nag-sorry ka at nagpaalam. Tumalikod ka at aalis na sana nang tinawag kita.

“Krystal!” Lalapitan pa sana kita nang bigla kang nagsalita.

“Kevin tama na! Ang sakit na eh...Sige, alis na ako. Mag-ingat ka ha."

"...I love you.” Hinarap mo ako nang sinabi mo ‘yun. Malungkot kang ngumiti sa akin at tinapik ang braso ko. Huminga ka ulit nang malalim para tumigil ka sa pag-iyak. Tumalikod ka at tinakpan ang bibig mo. Humigpit ang yakap mo sa sarili mo habang naglalakad ka. Umiyak na ako nang tuluyan habang pinagmamasdan kang palayo nang palayo.

---------------------------------------

After a few years, nakita ulit kita sa park. Sa park kung saan ko na-realize ang feelings ko, sa park kung saan ako nagtapat sa’yo. At sa park kung saan kita pinakawalan at pinagmasdan maglakad papalayo.

Boyfriend mo na pala best friend ko. Masakit, oo, pero hindi mo deserve ang isang katulad ko. Maganda ka pa rin, halos walang nagbago. Ang naiiba lang ay ang kasama mo na ay ang best friend ko at may anak na pala tayo. Apelyido lang ng best friend ko ang ginamit mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Miss You, I'm So Sorry 【ONESHOT】Where stories live. Discover now