// ikatlong tula

9 1 0
                                    

"Magkaibigan lang tayo"
salita n'yang kay talim, tumatak
dito sa puso ko'y tumarak
naglaon ay siya'y unti-unting lumayo
ito na ang simula ng aking pagkawasak,
mga salitang nasa isip habang luha'y pumapatak,
na sa pisngi'y namalisbis
at naglandas sa labi na siya ang nais
'di ko matanggi ang nalasahang pait,
na mula sa pagibig na pinilit
ang mata'y wala tigil na bumubuhos
ang butil ng pighati ay dumausdos
sa lalamunan na pigil ang mga hikbi —
para panatilihin ang katahimikan ng gabi
mula sa ulap ng panaginip ako ay bumagsak
sa pagkatao ko ito'y nagiwan ng bitak
at sa mga pulsuhan nama'y pilat
nagbago na kasi ang lahat
wala na ang dati
paano na nga ulit ang ngumiti?

Date: 8/20/16 6:07 pm

Patapong LiteraturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon