Habang inaalala kung gaano tayo kasaya dati
'di maiwasan ang pait sa aking ngiti
gusto kong malaman mong nasaktan akong tunay sa'yong paglisan
higit sa lahat ay nagulumihanan sa iyong dahilan
bigla na lang walang paramdam
iniwan mo akong walang paalam
napapatanong ako sa sarili ko kung may nagawang kasalanan
at kung meron man, dinggin mo ang paghingi ko ng tawad
ngayon, nilalahad ko ang aking palad
abutin mo sana at ikaw ay bumalik
dahil ako'y umaasa pa rin sayo ng tahimik
BINABASA MO ANG
Patapong Literatura
PoesíaCompilation of Filipino poems of Coreen Pristine. The cover is artwork by amidst.silence entitled Conspiracy Theorist.