u n a n g k a b a n a t a

467 14 4
                                    

Baby Steps

From: KittyClaymentine@yahoo.com 
Sent: Saturday, July 15, 2014 9:10 PM
To: DrRandomBlog@hotmail.com
Subject: How to get over him?

Dear Mr. Owner of This Blog,

Sabi niyo nga po, para maintindihan niyo, kailangan kong ikwento lahat. I guess okay na rin 'to para mailabas ko na lahat ng hinanakit, huh? Well, kuya, you asked for it. I'm warning you and your blog followers na kahit gaano ka-sweet 'to sa simula, our faiy tale doesn't have a happy ending. Nope. You already know how it went. Looking back, I can't believe how distorted our little story was.

We met at the LRT station. Pauwi na po ako nun kaya nagmamadali ako. Since I was in a hurry, I looked haggard and everything. Wala akong pakielam kasi pagod na talaga ako nun. Fortunately, 'di ganun kasikip 'yung LRT that day kaso walang free seats so nakatayo ako at nakakapit sa post. Inosenteng nagsa-soundtrip lang ako noong napansin kong parang may nakatingin sa 'kin. Ganun po talaga ako, kuya. Nafi-feel ko talaga kapag may nakatingin sa 'kin. At paglingon ko, andun siya. 

Alam niyo 'yung feeling na dinidescribe sa mga libro? That kaleidoscope of emotions you're supposed to feel and that sensation of time slowing down? I felt that. For some reason, I knew he was someone special. So I stared. And he stared back. Sobrang tagal ng titigan namin na parang kami lang ang tao sa mundo. Kilig. Sparks. I felt it all. Kaso tumigil 'yung LRT at nagmove siya na parang bababa. Pero dumaan muna siya sa tabi ko at bumulong. 

"Ate, may tagos ka." and he left.

Hehe. Gahd, sobrang pahiya ako nun ah. Medyo assuming po kasi ako nung mga panahong 'yun. Maganda kasi ako tapos gwapo siya kaya inisip ko agad na meant to be kami. Kaso para sa kanya, hindi pala. Pahiya po ako nun. Lalo akong nahiya nung narealize ko na yung suot niya ay uniform ng school ko. Worse, parang kaparehas ko ata siya ng course. (Btw, tinakpan ko ng jacket yung tagos huhu nakita rin nung ibang pasahero pero wala man lang nagsabi sa kin.)

And sure enough, the following week, I saw him around campus. Ang laki talaga ng impact niya sa 'kin eh. Every time I see him, I blush. I felt like a silly lovestruck girl pero I couldn't stop reacting that way. And one time, napansin niya rin ako. He even waved. Grabe, laglag panty ko 'nun eh. Tapos paglingon ko sa likod para i-confirm kung ako nga kinakawayan niya, may babaeng nagwe-wave din. Di pala ako yung kinakawayan, leche. Maling akala nanaman.

Then, months after that, nagkaroon ng bagyo. Pero since college na ako, may pasok pa rin kami. Ako naman 'tong shunga, nakalimot magdala ng payong. So tumatakbo po ako under the rain, minding my own buisness, ng biglang may dumaan na mabilis na sasakyan at natalsikan ako ng tubig baha ng kalsada. Lintek, pure white pa naman yung uniform ko! Sa sobrang galit ko, sinigawan ko yung sasakyan kahit na alam kong hindi naman ako maririnig.

"Lechmaks kaaaa! Bumalik ka dito, anak ng tipaklong! Iiikot ko ng 360 degrees 'yang ulo mo eh!" with matching salute of my middle finger in the air.

Pero eto po yung nakakagulat. Umurong pabalik sa 'kin yung sasakyan (ng dahan dahan para di ako matalsikan). Imagine niyo na lang yung takot ko. I thought kikidnapin ako or bubugbugin because of my ill words. Pero nung nasa tabi ko na ito, bumaba 'yung driver. And guess what? Si kuya from LRT 'yun. The guy of my dreams. I didn't know at that time na siya pala ang magiging first boyfriend ko. As well as first heart ache.

How To Get Over Him (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon