Denial and Isolation
Isang normal na umaga lang naman 'to dapat para sa 'kin. Wait, one second thought, hindi pala. Sa unang pagkakataon after ng break up namin, haharapin ko ang demonyo kong ex. Hay. Ready na ba ako? Kaya ko na ba siyang matingnan ng hindi nasusuka? Kaya ko kayang pigilan ang sarili kong patayin siya? I hope so. Kasi 'kung hindi, nakooo. Baka mabasag ko ang mukha niya.
"Clay, anak, handa na ang breakfast. Tanghali na gising mo." tawag ng mommy ko. "Wala na ring magu-goodmorning sa 'yo dahil wala ka nang boypren, kaya bangon na!"
"Ma, naman eh." reklamo ko. "Kailangan mo ba talagang ipaalala sa 'kin? Kita mong nasasaktan pa nga ako eh."
Inirapan lang ako ng nanay ko at nagpatuloy siya sa pag-aayos ng gamit niya. Tingnan niyo 'to oh. Wala man lang consideration sa feelings ko. Palibhasa crush niya si Nate eh, 'yung gago kong ex. Nung kami pa, close na close sila ng nanay ko to the point na halos ipagawa na siya ng nanay ko ng kwarto dito.
"Pero, 'nak. Kung ako sa 'yo, ipakita mo sa kanya na hindi ka nasasaktan." sabi niya habang diretsong nakatingin sa 'kin. "Sigurado ako masasaktan ang ego nun kapag nakita niyang lalo kang gumanda nung mawala siya sa buhay mo."
"Ha?" I asked. "Ma, ayos ka lang? Bakit mas maalam ka pang lumovelife kesa sa 'kin?"
Ngumiti siya at tinuro ang daddy ko na nakaupo sa lamesa. Ay, oo nga pala. Playboy daw kasi ang dad ko noon at natuto lang magtino nung makilala niya si mama. Hahaha kung magaling daw kasi makipaglaro si dad, mas lalong magaling si mama. And, kita niyo naman, panalong-panalo sila sa isa't-isa. Ngayon, may maganda na silang anak.
"Kung nakikinig ka lang sa mommy mo, Clay, edi sana kayo pa rin ni Nate ngayon." singit ni daddy.
"Eh pano ba naman! Makaluma na 'yung tips niyo sa 'kin eh. 20th century na, dad. Nag-evolve na ang kalalakihan." sabi ko. Kumuha ako ng isang pirasong tinapay ang pinalamanan ito ng Nutella.
"Ano ka ba, anak! Syempre inupdate ko na ang mga tips ko. By the way, seryoso ako dun sa sinabi ko ah. Magmake-up ka at mag-ayos para pagsisihan ni Nate ang pakikipagbreak sa yo. Mwahaha!" tumawang parang villain ang nanay ko bago siya umalis.
Well, may point siya eh. Siguro wala namang mawawala sa 'kin kung mag-effort akong ayusan ang sarili ko, di ba? Plus, nung kami pa ni Nate, ang dami niyang pinagbawal! Bawal ang shorts at dresses. Bawal ang make-up, etc etc. Ngayon, free na akong gawin lahat ng gusto ko! Mwahaha!
"Dad, teka lang ah. Mag-aayos lang ako. Tapos pakihatid ako sa condo ni Nate." sabi ko habang nagmamadaling umaakyat ng hagdan.
"Ha? Ayos ka lang, 'nak? Gusto mo talagang puntahan si Nate?" tanong ni daddy na halos ibuga 'yung kapeng iniinom niya. "Eh kahapon lang sabi mo pag nakita mo siya baka basagin mo mukha niya ah?"
"Eh? Sinabi ko yun? Hehe, ano ka ba, dad. Syempre joke lang yun. Asa naman. Hehe" sagot ko. Well. Actually, kahapon handa na akong gawin 'yun. Kaso, sabi nga ng magulang ko, mas magandang revenge yung magpaganda. "Humingi ako ng advice tapos sabi sa 'kin, maganda daw 'kung may proper closure kami eh."
BINABASA MO ANG
How To Get Over Him (Short Story)
Short StoryA letter. A blog. A heartbroken girl. And a mysterious person on the other side of the screen. How do you get over your first love and first break-up? She's about to find out.