7th

9 1 0
                                    

Friday, 10:30 am.

Free cut namin ngayon dahil late ng 15 mins ung teacher namin. May ganon kasing rule dito sa school namin. Pag 15 mins na ang nakalipas at wala pang teacher, pwede na kaming lumabas ng room at malayang gawin lahat ng gusto naming gawin. As long as hindi naiistorbo ung ibang mga nagka-klase.

Last subject pa namin to kaya tuloy-tuloy na hanggang uwian.

Dumiretso kami ni Sofia sa garden at umupo sa usual spot namin.

"Sofia, kamusta pala ang love life mo?" Nakangiti kong tanong.

Nakakapanibago kasi na these past few days hindi sya maingay tungkol sa mga gwapong nakikita nya.

"Wala, ganon parin." Hindi ko naman nagets ung sinabi nya.

Ganon parin, pero nakangiti sya? Anong ibig sabihin ng 'ganon pa rin'?

"What do you mean? Ganon parin? As in, crush mo parin si Darell?" Hula ko lang. Yon kasi ang last na kwento nya sakin na tungkol sa lalaki.

Si Darell lang ang crush nya ngayon. Usually kasi marami syang crush eh. Pero sa ngayon daw, si Darell lang.

"Hindi ko crush si Darell." Sabi nya na ikinagulat ko.

Ang gulo naman nito!

"I like him. Crush and like, magkaiba yon." Ahh, oo nga pala. 'Like' nga pala.

Eh ako? Kamusta naman ako? Edi ayon, araw-araw inaasar ng crush ko. Lakas mang-asar ni Ken eh.

Pero kahapon, may nangyari sa coffee shop. Between, Ken and Sebastian. Hindi ko parin maisip kung anong meron sa dalawang yon.

Flashback

Matiwasay naman akong nagtatrabaho. As usual, maraming customer, pero nasasanay na ata ako. Hindi na ako masyadong napapagod agad. At medyo nae-enjoy ko ang trabaho ko.

I was busy observing the people coming in and out of the coffee shop when someone caught my attention.

Si Sebastian papasok ng shop.

Naka black sya na ripped jeans, white V-neck shirt, black cap, and black leather shoes. Wow. Ang gwapo. Parang K-Pop star.

Pero nahinto ako sa pag-iisip nung lumapit sya sakin.

"I'll talk to the manager. Come with me." Sabi nya at hinawakan ako sa braso. Pero bago nya ako mahigit ay pinigilan ko sya.

"Why do I have to come with you?" Kabadong bulong ko. Ano ba kasing gagawin nya.

"Ipagpapaalam kita." Sabi nya at tumalikod ulit.

Pero bago pa sya maka hakbang ay pinigilan ko ulit sya.

"Saglit, baka pagalitan ako." Kinakabahan kasi talaga ako.

Kabago-bago ko palang tapos aabsent na ako. Pero gusto ko rin namang manood ng game nila eh. Baka kasi halikan ako ng baliw na to.

"Bakit sila magagalit? Ate ko ang nagsabi at bawal silang tumanggi." Sabi nya na parang naiirita na.

Bago pa ako makapagsalita ay biglang sumingit si Ken na bigla nalang sumulpot kung saan.

San to galing?

"Teka lang, pare. Ayaw sumama sayo ni, Joy. Bakit mo ba sya pinipilit? Kaano-ano ka ba nya? At san mo sya dadalhin?" Sunod-sunod na tanong ni Ken.

I Found A LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon