9th

6 0 0
                                    

"Sebastian?"

Taka kong tanong sakanya. Anong ginagawa nito dito?

"Uhh, ano.. kasi.." at naging malikot ang mga mata nya.

Kung saan-saan sya tumitingin. Nakatingin lang ako sakanya at hinihintay syang sumagot.

"Huy, anong ginagawa mo dito? Umupo ka kaya, nakakangalay din tumingala." Sabi ko sakanya at inirapan nya ako.

Wow, grabe ung irap.

Umupo na rin naman sya sa upuan sa harap ko.

"I'm here to pick you up." Mahinang sabi nya.

Ansaveh! To pick me up daw?

Medyo napangiti ako don ah. Pero bakit? Bakit parang... kinikilig ako? At bakit nya ako sinusundo?

"Bakit?" Tanong ko.

Nawala ung antok ko ah. Kinakabahan din ako. Teka, bat ako kinakabahan? Ambilis ng tibok ng puso ko eh. Diba ibig sabihin non kinakabahan?

"I saw your tweet." Sabi nya pero hindi parin tumitingin sakin.

Samantalang ako kanina pa nakatingin sakanya!

"Eh bakit mo ako sinusundo?" Tanong ko ulit.

Nakita nya ung ni-tweet ko, and so? Bat nya naisip sunduin ako?

"I don't know, okay? When I saw your tweet, naisip ko na puntahan ka and I don't even know why. So pwede, lumabas na tayo at ihahatid na kita." Inis na sabi nya.

Mahina naman akong tumawa. Ewan ko ba kung bakit ako tumawa. Natatawa lang ako sakanya. Nakakatawa pala sya pag naiinis.

"Why are you laughing?" Tanong nya ng masama ang tingin.

"Bakit, masama?" Balik tanong ko sakanya.

Humalukipkip naman sya at nagsalita ulit.

"Gusto mo bang iwan kita dito?" Pagbabanta nya.

Sige nga, tingnan natin.

Tinaas ko ang isa kong kilay, tinuwid ang likod, at taas noong sinabi

"Edi iwan mo."

Ngumisi naman sya at nagkibit-balikat tapos maya-maya ay tumayo at dire-diretsong lumabas.

Hala! Iiwan nga ako?! Joke lang yon!

Hinabol ko sya at huminto sa tapat ng shop kung saan may kapirasong bubong. Nakasakay na sya sa kotse nya at umaatras na sa parking lot.

Noooooo! Joke lang yon! Antanga ko kasi eh! Binibiro ko lang naman sya! Ano ba yan, makakauwi na sana ako eh! Paano na to?!

Nung nasa kalsada na sya ay huminto sya at ibinaba nya ang bintana tapos nginisian ako. Sumigaw naman ako,

"Sebastian, joke lang yon! Pasakay ako! Please! Dali na, joke lang yon!" Tapos nakatingin lang sya sakin.

Pleaseee! Sige naa!

Nakita ko naman na unti-unti syang ngumiti tapos umiling-iling saka bumaba sa sasakyan. Binuksan nya ang payong saka naglakad palapit sakin. Napangiti naman ako.

May gantong side naman pala si Sebseb eh.

Nung nakalapit na sya sakin ay pinayungan nya ako. Tumingala ako sakanya..

"Thank you."

Tumingin sya sakin at umirap ulit.

"Whatever." Natawa ulit ako.

I Found A LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon