2nd

18 1 0
                                    

Sunday, 11:48 am.

"Talaga po? Salamat po! Kelan po ako magsisimula?"

"Bukas? Kaya mo?"

"Oo naman po! Salamat po ulit Ma'am Alex!"

"Sige."

At lumabas na nga ako sa Coffee King Café.

Ang swerte ko naman ata ngayong araw at madali akong nakahanap ng part-time job.

7:00 am to 11:30 am ang pasok ko araw-araw at 1:00 pm to 6:00 pm naman ang pagwe-waitress ko sa CKC.

Nagugutom na ako. Wala na akong ibang choice kundi kumain sa fastfood. I can't afford my fave foods on my fave restos now. I need to save money.

Buti nalang at malapit lang sa school ang CKC kaya kaya kong lakarin pagtapos ng klase. Hindi na ako mamamasahe.

Matapos kong kumain ng mga pagkaing puro oil at preservatives, tinext ko ang nakababata kong kapatid.

To: Hazel panget

Panget! Nakahanap na si Ate ng part-time job! Yey!

I smiled on my own message. 14 yrs old palang ang kapatid ko at grade 8 na sa USJ. Pero bihira lang kami magkita sa school dahil hindi naman tugma ang mga schedule namin.

Now I'm heading to school. Our class president called me to meet him, may ipapagawa daw sakin.

Ang hirap talaga maging matalino na, masipag pa.

Kapal ng mukha mo, bored ka lang kaya mo tinanggap yung gawain.

Grabe, matalino naman talaga ako eh.

Haaay, kinakausap ko nanaman sarili ko.

Finally! I'm here! I'm not used to walking kaya naman pagod na pagod ako. Nakadagdag pa ung init ng araw!

Soooo hot!

"I'm here, Jerome." Hinihingal kong sabi.

"Oh, why are you so sweaty? Umupo ka muna." At ginawa ko nga. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay at huminga ng malalim.

"San ka ba galing? Bat pawis na pawis ka? Where's your c--"

"Naglakad lang ako." Pagputol ko sa sinasabi nya.

"From your house up to here?" Nagugulat na tanong nya.

"Nope, galing akong Mcdo."

"Woah, that's new. Anyway, here's the USB. Paki-edit nung research paper ng group natin. I just finished my part so ikaw na sa final editing."

"Okay, how many pages?"

"Six pages."

"Okay, on it."

"Thanks, Joy. I need to go. Okay ka lang dito?"

"Yeah, sige na. Pormang porma ka eh. May date si Pres." Pang-aasar ko.

Natawa din sya at umalis na. Makauwi na nga din, sisimulan ko na i-edit to.

Nag-headset muna ako at pinatugtog ang Let me go ni Hailee Steinfeld.

I instantly felt good when I hear the music.

Habang naglalakad ako ay sumabay ako sa kanta.

You made plans and I, I made problems

We were sleeping back to back

We know this thing wasn't built to last

Good on paper, picture perfect

I Found A LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon