Kathryn's POV
Binigay pala ni Gio yung Teddy Bear na Pink sa akin.
Tinanggap ko na lang. Sayang naman kung ibigay ni DJ sa iba. Eh para sa akin niya to binili.
Di ko kasi tinanggap yan kanina.
Sa tabi ko nalang inilagay ang teddy bear na bigay ni DJ.
Napaisip tuloy ako. Ba't parang nag-eefort siya para sa akin?
Ah. Baka sa pustahan lang nila yan.
*blinggg*
Napunta tuloy ang atensyon ko sa phone ko.
Nag-text naman tong mokong na to. Di ko naman kilala. Matanong nga kung sino ba talaga to.
From: 099********
Wednesday, 11:42 pmUy, Ganda! ;*
Nang-asar pa talaga.
To: 099*******
Wednesday, 11:42 pmSino ka ba talaga? Wala naman akong nakilalang nagkakagusto sa akin. Kilala ba kita?
From: 099********
Wednesday, 11:43 pmKaya nga tinawag na 'secret' secret nga di'ba?!! at, Oo. Kilalang-kilala. mo ko >;)
Iniba ko na rin ang name niya dito sa phone ko.
To: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:44 pmPilosopo.
From: My Secret Admirer.
Wednesday, 11: 45 pmKathryn ko? May sasabihin lang ako sayo.
To: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:46 pmAno yun?
From: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:46 pm'Pag ikaw talaga ang katext ko. Buo na ang araw ko. :)
To: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:47 pmWow. Magic. ;)
From: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:47 pmKath, Tulog ka na. Gabi na. Huwag kang magpupuyat. Kahit may pagka-tomboy ka. Mahal na mahal kita ;* Tulog na, Kath. Yung eye bags mo. Ingatan mo. Goodnight Kathryn ko ;*
To: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:48 pmAno nga pala name mo?
From: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:48 pmAko si...Val. My nickname
Huwag mo na kong hanapin sa facebook. Yan nalang itawag mo sa akin. Sige. Tulog ka na Kath. Goodnight :*To: My Secret Admirer.
Wednesday, 11:49 pmOkay. Val. Goodnight :)
And again, I change his name on my phone.
Val.
-------------------------------------------------
Sino kaya si Val? Comment down.
YOU ARE READING
I Fallen To A Playboy
RomansaDaniel bets his friend that he can make a boyish student fall in love with him in 30 days.