☾ 1.3

4.9K 166 0
                                    

Savanna's POV

Nang matapos akong maglinis sa office na iyon ay nagpaalam at umalis na ako kaagad. Mahirap na at baka mautusan na naman ako.

Ang unfair na nga sa side ko, tapos uutusan pa ako ulit? Aba hindi na makatarungan 'yon. They didn't even give me a chance to explain my side! Literal na nakakabanas.

Tapos ang malala pa roon ay ako lang mag-isa ang naglinis. Kumusta 'yung dalawang alipores ni Maxii chaka?! Chill-chill lang dapat sila, gano'n?!!!!!!

Aba hindi!

Nang makalabas ako sa building kung saan naka-locate ang Detention Office ay nahagilap ko ang isang babae na nakatayo.

Napansin niya yatang may tao sa likod niya, kaya lumingon ito at nakita kong si Erif lang pala.

Lumapit siya saakin, pagkatapos ay huminto siya sa harapan ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito?

"I'm really sorry for making fun of you a while back," panimula nitong sabi at napayuko.

"I mean it," dagdag niya.

"Tapos na 'yon, hayaan mo na," sabi ko na lang.

"Maxii and I were great best friends before. Halos tumira na rin kami sa iisang bahay noon," Napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niya.

"Pero magsimula noong dumating sa buhay namin si Penelope, doon na nagsimulang masira ang pagkakaibigan namin. She brainwashed Maxii and sila na ang naging magkaibigan. Halos lagi nila akong pinagtutulungan na awayin, pinagtitripan, and kinakawawa. Until one day, I just learned how to fight back," she said.

I was speechless.

I never thought na may kwento palang ganito sa likod ng pag-aaway nila. But who's Penelope?

"Sorry for telling you this. Alam kong wala kang pakialam, pero..."

"No, please, don't get the wrong idea," saad ko.

"Do you mind if pumunta tayo sa garden?" she offered, and I agreed.

Nang makarating kami rito ay namangha ako dahil sa lawak at ganda. Napakaraming iba't-ibang klase ng bulaklak, mga paro-paro, at mga punong kahoy na matatayog. Ghad, this really made me feel amused!

Umakyat kami sa isang ladder and I guess, may tree house rito.

Nang makarating kami sa itaas ay may bench made of wood. At napakaganda ng pwesto nito dahil mapapanood mo rito ang paglubog ng araw. Sakto na ring malapit na ang sunset.

"What a beautiful and peaceful scenery," 'yan nalamang ang mga salitang nailabas ng bibig ko.

"Dito ako lagi tumatambay," sabi nito.

"You've got a perfect place," I said.

But she just smiled, halata mo talagang malungkot ito.

"Uhmmm, do you mind if I ask kung sino si Penelope?" pag-iiba ko ng tanong.

"Yeah, it's okay. Penelope Amber Grays is an Empre Type and nasa rank III na siya. Actually, kakatapos lang ng promotion kahapon and yes, kasama ako sa na-promote. She's currently on a mission right now with her team. Ang dahilan din kung bakit niya sinira ang pagkakaibigan namin ay ayaw ko siya para sa kapatid ko. And ayun nga, brinain washed niya si Maxii at nagtagumpay siya. Ang hindi ko lang talaga maintindihan, hindi manlang inisip ni Maxii ang ilang taon naming pagkakaibigan at mabilis siyang sumama kay Penelope without even communicating with me."

Orphyineuss Academy  (ON-GOING)Where stories live. Discover now