PART OF THE GAME

37 5 0
                                    

-🍒

One-shot
You can love me for a lifetime

Sinara ko ang librong binabasa ko at nilibot ang tingin sa paligid. Kanina pa ako nandito sa library para lang makita si kuyang pogi na tumulong sakin kahapon na kunin ang librong nasa taas na di ko maabot.

Yung feeling na love at first sight. Yun ata ang nangyari sakin eh. Akala ko pa naman hindi totoo yun. Hindi ko alam kung sasaya ba ako dahil sa wakas nalaman ko na ang pakiramdam ng pagmamahal. Marami na akong nababasa na masakit raw ito pero bakit parang hindi naman ata?

Perks of being a NBSB. Marami narin akong nasasaksihan na mga pagaaway dahil sa love.Ngayon narealize kong nothing impossible on love. Alam kong love at first sight ito dahil nabasa ko na ang mga signs na nararamdaman kapag na love at first sight ka.

Hindi pupunta si kuyang pogi ngayon? Kainis naman! Kinuha ko ang tatlong librong dala ko at naglakad papunta sa ibang shelf. Napatigil ako ng mabunggo ako. Ang tanga ko. Ayan kasi hindi ka tumitingin sa daan Thea! Pinulot ko ang mga nahulog na libro ko. Hindi pa ako tinulungan ni kuyang kapre na pulutin ang mga libro.


Gentledog nga naman. Nagbow ako at ngumiti. Pasensya na half korean kasi ako at tinuturuan ako ni daddy ng mga dapat gawin ng tipical korean. "Sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa daan". Hinging paumanhin ko habang nakayuko. Pagangat ko parang tumigil ang oras. Cliché, alam ko pero wala akong magagawa dahil yun ang nararamdaman ko.

Tumango ito at humingi rin ng paumanhin. Siya yung lalaking si kuya poging tumulong sakin kahapon. " Pasensya na po talaga. Meron po ba akong magagawa kapalit sa pagbunggo ko sa iyo?". Magalang kong tanong. Sabi kasi ni daddy pag alam kong mali ako dapat may gawin akong kapalit sa paggawa ko ng masama sa taong nagawan ko ng masama.

Malapit kami ni Dad sa isa't-isa. Maliban sa kami nalang dalawa ang magkasama ay daddy's girl rin talaga ako at palaging may time si dad para sakin kahit may bussiness man siyang inaatupag kaya talagang natatatak sa isip ko ang mga sinasabi niya.

"Samahan mo ko maglunch bukas at ihahatid kita pagkatapos ng klase". Sabi niya at umalis. Naiwan akong tulala sa gitna ng library habang iniisip ang sinabi niya kani-kanina lang. Totoo ba to? Is he asking me on a date? Ok hindi literal na date pero mukhang ganoon na nga. OMG! sasabay ako sa kanya mamaya!

*•*

Tinignan ko ang tatlong dress na nakalatag sa kama ko. Friday kasi ngayon kaya ibig sabihin pwedeng magsuot ng civilian. Ngayong day rin ang day na sasabay ako maglunch sa kanya. Habang tinitignan ko ang dresses biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon.

Tumigil sa pagdi-discuss ang last subject teacher namin ng marinig ang bell hudyat na uwian na kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng maalala na ihahatid ako ni kuyang pogi ngayon. Teka, ano nga ba pangalan niya? Well malalaman ko rin yan! Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko ng i-dismiss na kami ng guro.

Part Of The Game (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon