Tula para sa panandaliang tao
Hindi kita kailangan.
Hindi, hindi na kita kailangan
Lumangoy ako sa pagkakalunod
Tumayo ako sa pagkakatisod
Tumigil na ako sa pagsulat
Ng mga letra at mga awit
Pagaspas ng mga letrang para sayo
Huni ng ng mga awit naglalaho
Hindi kita kailangan.
Hindi ko na kailangan ang tunog
Ng boses na malalim at malamig
Ng haplos ng kamay na malambing
Ng tono ng salitang tila inukit
Sa aking puso at kaluluwa
Binubura, at buburahin at pilit na aalisin
Dahil, hindi kita kailangan
Kaya kong huminga nga hindi ka kasama
At kaya kong lumangoy ng walang salbabida
Kumain ng walang nagtatanong
At makauwi nang hindi nagsasabi
Gumising ng walang binabati
At matulog ng walang pasintabi
Mahal, o kung iyon nga ba yon
Hindi kita kailangan.
Lilipas ang mga segundo ng oras
Makakalimutan ang mga panahon
Ang mga tahimik na tinginan
Ang mga maiingay na tibok ng puso
Ang mga ngiting dulot ng saya
Dulot din ay pait at pagdurusa
Pagdadaanan ang pagtatanong
Ng mga bakit, mga kailan at ano
Ng mga saan, mga kulang at sino
Na parang isang siraulong iniisip
At iisipin, at parating ipararating
Na hiniling ko'ng sanay tayo na
Ngunit ngayon, nang akoy binitawan
Hindi naman talaga kita kailangan.

YOU ARE READING
Random Letters
RandomI couldn't say that what I write is real. Sometimes they are, sometimes they just aren't. The random letters became the purest of me. The rawest of my thoughts put into words for people that may be real, or an imagination of this creative mind.