Kabanata 2
Never
-
Hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa utak ko at sumama ako sa lalaking ito. Nakita ko na lamang ang sarili kong nagpapatianod sa kamay niyang marahang nakalapat sa likuran ko, papasok sa elevator na pababa sa basement parking.
Nang tumunog ang lift hudyat na nasa tamang floor na kami ay nauna siyang lumabas kaysa sa'kin.
"I.. I have my car," utas ko.
"I'll let my assistant take it to wherever you want him to take it. Your office, probably?"
Tumango ako, "Y-yeah,"
Hindi siya umimik. Tuluy-tuloy siyang naglakad isang puting Chevrolet Corvette, pinatunog ang unlock alarms nito at tumungo sa pintuan ng passenger's seat para pagbuksan ako.
Yumuko ako para iwasan ang paninitig niya. Napagtanto kong maski sa height kong 5'6" ay malaki ang agwat namin sa isa't isa. Ang mga mata ko'y hanggang sa dibdib lang niya tumama.
Nang sa wakas ay nakapag-settle down ako sa loob nang kanyang sasakyan ay nakita kong may ginawa muna siya sa kanyang cellphone bago umikot papunta sa driver's seat
Ang loob ng kanyang Corvette ay puro dark brown leather, mula sa dashboard hanggang sa dalawang upuan. Binigyan lamang ito ng kakaunting accent gamit ang puting leather at kumikinang na silver edging sa manibela. Amoy pabango niya ang loob ng sasakyan, sigurado ako doon dahil naamoy ko siya habang nasa elevator kami, hinaluan lang ang amoy ng kaunting mint at parang alcohol.
Not judging, but I think he likes everything squeaky clean.
"Ready?" he asked as he roared his car's engine to life.
Marahan akong tumango.
"Speechless now, huh?", mahina siyang tumawa.
Pinabilis niya lalo ang takbo paakyat kami sa uphill na kurbada ng basement, at nang nakalabas sa daan ay humarurot pa ito lalo.
Bahagya siyang tumingin sa direksyon ko. Nang makita niya akong nakatingin din sa kanyang mga kamay na nasa steering wheel ay mabilis niya iyong binawi at tumingin sa daan. Akala ata ng isang ito ay magpapatalo ako dahil lang intimidating siya.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para magtipa ng message kay Idris.
To Idris:
I'm with Mr. Escala IV. We're going to dicsuss the project in a restaurant nearby. Sa office na ako didiretso pagkatapos. Thank you & congrats for a job well done. - J
"This is a business meeting. I'm not usually chatty with my clients," sabi ko, shifting my gaze to the cars beside us.
Pumula ang traffic light at unti-unting huminto ang sasakyan.
Ang kanyang mahinang tawa kanina ay napalitan na ng malutong na halakhak ngayon. What's so funny?
"What made you think this is a business meeting, Josiah?"
Umirap ako saka tumingin sa kanya, "Because you're the owner of GE and you just hired me as your interior designer?"
"Yup, but this is a lunch date. It's different from a business meeting, I'm sure you know," he said, as-a-matter-of-factly.
The grin on his face after saying that stayed just until he parked the car across the street of a fine dining French restaurant in Uptown, BGC.
Nakakain na ako dito ng ilang beses because my niece, Kali, loves French cuisine. 3 years old pa lamang ang batang iyon at sigurado akong nagmana talaga siya sa ate ko. Bukod sa kamukhang kamukha nila ang isa't isa ay nakuha ang pamangkin ko ang hilig ni ate sa pagpipinta at iyon nga, sa French cuisine.
YOU ARE READING
You Are In Love
RomanceJowee believed in love ever since she learned what it means. It flourished inside her home, from her grandparents to her parents, from her kuya down to her youngest sibling. Alam niyang basta andyan ang pamilya niya ay malalagpasan niya ang kahit na...