Kabanata 3
See You
-
"Jowee!" nagsigawan sina Idris, Keanne at ang iba pang mga tao opisina pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Kumunot ang noo ko at inilapag ang paper bag na may lamang breakfast para samin, "Ano?"
"Awarded sa'tin ang Play House!" Alyssa shrieked saka sila nag-high five no'ng isa pang junior designer na si Justine.
"Totoo?"
Lumapit sa'kin si Idris at inalog-alog ang balikat ko, "Bakit! Parang! Hindi! Ka! Masaya!"
"Hindi lang ako makapaniwala," I muttered. "Kasi.."
"Ano, girl!" Idris shouted.
"Wala! Shet!!! Sa'tin yung Play House! Designers at architects at builder tayo ng GE Industries!!!!" sigaw ko sabay talon, na nakapagpatawa sa mga andoon.
Hindi ko naman pwedeng sabihin iyong nangyari sa'min kahapon dahil ayaw kong maapektuhan ang tingin nila kay Fourth.. sa ngayon Fourth na muna ang itatawag ko sa kanya dahil hindi naman kami masyadong close para sa Gio.
"Okay, so may dala akong breakfast na luto ni Nanay. Kumain muna kayo habang tinatapos natin 'yung finishing touches nung kay Julia Barretto," utas ko saka nilabas sa paper bag ang plastic containers na may lamang omelette, fried rice saka bacon.
Nag-simula na kumilos ang lahat nang sabihin ko iyon. Pinangunahan ni Keanne 'yong designs para kay Julia B, kasama niya si Justine at ang isang junior architect na si Shannon. Imi-meet namin si Julia mamayang dinner kaya kailangan matapos na iyon bago pa mapatungan ng mga panibangong projects kagaya nung sa Play House.
"Dinner presentation 'yang designs with Julia, ha? Sinong sasama sa'min ni Keanne?" tanong ko.
"Hala Jowee, 'yang si Justine at si Shannon excited na excited na makita si Julia!" sagot ni Keanne habang kumukuha ng pagkain sa tabi ko.
"Oh edi sila na lang isama natin mamaya. Para may katulong ka na rin mag-present,"
"Gusto ko nga rin Miss Jowee eh.. kaso.." mahinang sabi ni Alyssa mula sa pintuan ng pantry.
"Sorry, Aly. Sila kasi ang assigned eh. Sa susunod na celebrity client tayo na ang partners," ngiti ko. "Kain ka na,"
Tumango naman 'yong si Aly saka dumiretso sa malaking conference table sa gitna, kung saan kami kumakain at nagmi-meeting or madalas, both.
"Shit? Wait, guys! Tara dito!" Idris shouted from his table. Nakaharap siya sa kanyang computer at nakakunoot ang noo.
Agad kaming pumalibot sa kanya para makita kung anong meron.
"May Google drive link na sinend ang GE, so natural inopen ko. Akala ko naman details lang ng contract at construction pero milyong milyong revisions itong nakikita ko!"
May pinindot si Idris na isang tab mula sa window na lumabas at nang bumukas ang file ay tumambad sa'min ang lahat ng rendered perspectives na ipinresent naming kahapon. Ang kaibahan lang, puro pulang bilog na may isa isang comment ang bawat page.
"What the? Ipinatatanggal nila 'yong electric swings at pinapapalitan ng 4D rides? Ang dami naman nilang pera!" ani Keanne.
"Pati 'yung landscaping, pinababago," umiiling si Idris. "Kung hindi lang 'to magandang exposure sasabihin kong 'wag na natin 'tong tanggapin eh,"
"Bakit pa nila inaward sa'tin kung ganyan karami naman pala 'yung gusto nila ipabago. 'Yung isang nag-present kahapon, medyo ganito ang peg. Dapat 'yun na lang kinuha nila," buntong hininga ni Keanne.
YOU ARE READING
You Are In Love
RomanceJowee believed in love ever since she learned what it means. It flourished inside her home, from her grandparents to her parents, from her kuya down to her youngest sibling. Alam niyang basta andyan ang pamilya niya ay malalagpasan niya ang kahit na...