[ Story line ]
You didn't live just to die
You are alive because you need to try
Try not die
Try to stay alive
Just try
and everything will be just fine🍑🍑🍑
" Zoe, nainom mo naba talaga yung gamot mo? "
Nagtalukbong ako ng kumot dahil hindi ko alam kung mabibingi na ako sa tanong na yan. Paulit-ulit.
"ZOE!"
"Eto na Kuya. Eto na." Ako.
Bumangon ako sa pagkakahiga at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Kinuha ko din iyong binulsa kong gamot na wala talaga akong balak inumin.
"Pangilang bulsa mo naba yan ng gamot? Hindi tayo pinalaki ng nanay natin para mamatay."
"Yes. Hindi nya nga tayo pinalaki." Bulong lamang iyon pero sinisigurado kong maririnig nya.
Linagok ko yung gamot bago bumalik sa pagkakahiga. Pagod ako.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng aking kuya. Sa totoo lang, naawa ako sakanya pero hindi ko dapat iparamdam sakanya iyon.
Ako nga pala si Rozowill Esta. My name is so unique as my personality but it doesn't mean I am rich. 19 years old na ako and still, I don't really have a stable job dahil hindi pa din ako tapos sa college shits.
"Oh sige. Magpahinga kana. Alam ko pagod ka galing work. Ako naman magttrabaho." Kuya.
Narinig ko ang pagsara ng pinto dahilan para bumangon ako. Ingat ka Kuya.
Siya si John Robert Esta. Kuya ko siya. Actually, mas matanda pa ako umasta sakanya. Tinotopak lang ako pag hindi ako nainom ng gamot at doon niya pinapakita ang pagiging kuya niya sa akin. He's 21 years old and I swear to God, bukod sa mga artistang hinahangaan ko, isa akong #1 fan ni Kuya.
Akalain mo, napagtapos niya sarili niya?
Yes. You (read) heard it right. May stable job na nga siya eh. Freelance model din siya for his extra job. Mababa pa daw kasi yung buwang sweldo niya sa call center na 20k. Sa pag momodel naman, dipende sa shoot na inalaan sakanya. Minsan 500 pesos lang pero nakakakuha siya more than 8k pag tuloy-tuloy. Katulad last week. May apat na shoots and dalawang rampa sa public stage. Don't get me wrong, he's not an artist. Sabi panga niya mas tataas pa sa 8k yung pabayad sakanila if napili sila magshoot with artists. Sakto, katapusan ng buwan ngayon. May sweldo na siya mamaya.
20k is not bad kung gala ka lang like me. I mean, c'mon? We need to enjoy life a little. Bakit kailangan umikot ang buhay sa mga bagay na hindi naman nagpapasaya sa atin?
But Kuya's work is not a joke. Maliit pa ang 20k sakanya. We actually fought because of money. Hindi niya ako binigyan ng pera.
{Throwback...}
Madaling araw na na may nagtext sa cellphone kong talo pa ang Nokia 3310 sa luma.
• 1 unread message •
Ayan ang bungad sa akin bago ko tignan ang oras.
3:27 a.m
Kinuskos ko muna ang aking mga mata bago buksan ang message.
YOU ARE READING
Love Lives
RomanceLove is the powerful emotion a human being can experience. Love is involuntary. Sometimes, it's hard to say, sometimes you can't even explain it at all. "Love has nothing to do with what you are expecting to get - only with what you are expecting to...