When you love, all you need is trust
🍑🍑🍑
[ Zoe's POV ]
"Sa Baguio ulit ang shoot."
Nandito kami ngayon sa open space sa may garden.
Magi-eleven thirty na.
Nakatipon lahat ng photography club para sa isang project.
"We just need to wait our models for our week's shoot."
Habang inaayos ko ang sira kong phone, nakatanggap ako ng last call from my Kuya. Wala kasi siya kagabi nung umuwi ako. Tinadtad ko siya ng text kasi nagaalala ako sakanya. Hindi naman kasi siya umaalis ng walang pasabi.
Umalis siya para sa pagraraket niya. Modeling nanaman as usual. Iiwan niya nanaman ang call center for a week. One week daw sila magsshoot with an artist. Pinapangarap ko na sana katabi na siya ng artista para malaki ang kikitain niya.
Nagiwan na din siya ng pera for my week allowance next week. Baka kasi umabot siya ng dalawang linggo dahil malayo-layo daw sila magsshoot. Great.
Tinago ko na lamang ang cellphone ko sa bulsa.
"Zoe, ikaw ang nakaasign sa main model natin." Sabi sa akin nung leader.
Tumango lamang ako.
"Wala kabang balak tanungin kung sino?"
"Wala."
"Ganyan kaba kawalang pakialam sa mga tao sa paligid mo?"
"Kung wala akong pakialam edi sana hindi na ako tumango." Ramdam ko ang pagkairita ng leader sa inasta ko.
Pero never niya inisip na tanggalin ako dahil kailangan nila ako. Wow.
Let me give you a clue kung bakit ayaw niya ako tanggalin.
They saw something in me na prodigy sa pagkukuha ng litrato. It might be a praise to me but it's an insult big time. They're using my skills and they didn't put some credentials.
Mataas naman sweldo ko dito so why bother?
Pero kahit na.
"Let's just wait for the models."
Pagkasabi niya nun ay dali-dali tumayo ang ibang members ng photography club para pumunta sa canteen. Ang iba naman ay nagaayos ng equipment at ako? Wala.
"Hey Zoe."
Ignore.
"Hmm. Balita ko model iyong kuya mo?" Umupo pa siya sa tabi ko at umakto parang close kami.
Kinuha ko ulit ang cellphone kong halos ayaw na mabuhay.
I need a new one.
"Hoy. Hindi mo talaga ako papansinin?"
Kinuha ko ang headset at sinaksak sa cellphone ko. Isinalampak ko sa tenga ko at umarteng walang naririnig.
"Aba't--"
Wala kang naririnig Zoe.
Wala.
"Ayaw mo talaga ah." Nakita ko sa peripheral vision ko na handa niya na ako sampalin pero bago mangyari iyon, inaasahan ko na ang gagawin niyang pambabaliktad.
"Aray."
"Zoe! Ano ginawa mo sa senior mo?"
Halos lumabas na ang mata ng leader namin sa akin.

YOU ARE READING
Love Lives
RomanceLove is the powerful emotion a human being can experience. Love is involuntary. Sometimes, it's hard to say, sometimes you can't even explain it at all. "Love has nothing to do with what you are expecting to get - only with what you are expecting to...