Chapter 2

6 1 0
                                    

Just because you failed you'll stop there. Failure is equivalent to lesson that you learned. It's either you learn something from it or failed again to learn something.

🍑🍑🍑

Monday.
Sino ba naman nagmamahal sakanya? Edi ako.

Yes. I do love Mondays. Hindi dahil sa may pasok ako ng 7am, kundi dahil panibagong linggo nanaman ang haharapin ko.

Nasabi ko naba na I love adventures?
Na kahit nasa school lang ako, masyado akong gala para pigilan? Kaya siguro akala ni Kuya pinapanggala ko lang yung mga perang hinihingi ko sakanya. Tukmol masyado.

Palabas na ako ng inuupahan namin ng makasalubong ko si Kuya.

"Oh Kuya? 5:30 palang." Sabay tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding.

"Early out. Dapat alas tres nakauwi na ako eh."

Nakita ko ang pagod sa mga ni Kuya. Pero iba kasi pagod niya eh.

"Break na kayo ni Ate Karen?"

"ARAY!"

Tangina...

Binatukan niya ako ng napakalakas at tsaka nagdabog papasok ng inuupahan namin.

"Tangina ka. Ang sakit nun ah." Hawak hawak ko pa din ang ulo ko. Sabi sainyo eh, minsan lang magpaka-Kuya itong Kuya ko.

"Kumuha kanalang ng 1.5k para sa baon mo for this week sa bulsa ng bag ko. Sweldo ko diba? Yung pinakahihintay mo? Kumuha ka diyan at makakaalis kana. Wala ka na ngang naitulong dito, nang aano kapa."

Sinimangutan ko siya. Kung alam mo lang Kuya.

Hay.

Kumuha na ako ng 1.5k... "Kuya tingin..." pinakita ko sakanya ung 1.5k na kinuha ko. Pag tingin niya sakin, tumalikod na siya at nagtalukbong sa kumot.

"Bye?" Tanong na paalam ko. May PMS. Break na ata talaga sila. Haha.

Hindi siya umimik kaya dahan-dahan ko binalik yung 500 pesos sa bag niya.

Napangiti ako ng marinig kong humihilik na siya agad. Pagod nga.

Hinalikan ko siya sa noo. "Sleeptight Kuya ko. Rest well."

At tsaka lumabas.

•••

Nasa hallway na ako ng school ng makita ko si Raven at Rian. Sila lang talaga ang kaibigan ko dito.

"ZOE!" Sigaw nila sa pangalan ko sabay takbo. Tanaw ko din na papunta na ang boyfriend ni Raven dito.

"Magkano tip mo beh sa Library bar?" Tanong Rian.

"Hmmm. Secret." Pinalo niya naman ako sa braso at sabay tawa. Magpapalibre nanaman kasi siya pag nalaman niyang malaki ang tip na nakuha ko.

"Huwag mo na alamin beh Rian, kitang kumakayod na nga lang siya para sakanila ng Kuya niya. Diba babe?" Sabi niya kay Rian na sabay akbay pa sa boyfriend.

Love LivesWhere stories live. Discover now