#StolenMoments

3 0 0
                                    

Have you experienced being in a secret relationship? Yung nagmamahal ka lang naman pero bakit kaylangan pang itago?
Alam nyo napaka hirap ng ganung sitwasyon kasi kahit gaano mo man kagustong ipangalandakan ang pag-iibigan nyo hindi mo magawa kasi maraming humahadlang.
Hindi nyo alam kung saan ang mali eh. Hindi nyo alam kung saan lulugar sa mga mapangmatang nilalang. Pero sumugal ka kaya? I mean wala naman sigurong masama kung susubukan diba? Pero mali parin talaga eh! Kasi kapag sinubukan mo ng sumugal tatatak na sa isip nila ang ginawa mo. Na masama kang tao kasi gumawa ka ng mali sa paningin nila. Eh ano nga ba  ang tamang gawin sa paningin ninyo na maaaring gawin para matanggap kaming nagmahal lang naman? Wala diba? Walang tamang gagawin para sa inyo kundi ang paghiwalayin ang taong nagmamahalan.
But you know what? Tama ang magmahal, mali lang siguro ang pagkakataon kaya di pa pwede. Tama ang magmahal pero mali kalang siguro ng taong minahal. Maaaring yung mahal mo pag-aari na ng iba o baka naman yung taong minahal mo mahal karin pero mali ang magmahalan kayo kasi labag sa batas ng tao at batas ng diyos. Maaring committed na sya sa best friend mo, sa kapatid mo, pinsan mo o di kaya ay kadugo mo. Tama yung pagmamahal pero mali ang pagkakataon. So what to do? Set him or her free. Set each other free. Masakit man pero the most generic yet hard to do is to let go of your feelings. Tama na siguro yung in your precious time on earth ay nakahanap ka ng one of a kind love. Huwag mo ng ipaglaban. Mali palang sumugal kung alam mong wala kang itataya. Pakawalan nyo nalang ang isa't-isa para wala ng masaktan. Kasi sa uri ng pag-iibigan nyo the more na ipaglalaban nyo the more na masakit at alam nyo kung ano yung mas worst? Nung ipinaglaban nyo yung pag-iibigan nyo nasaktan na kayo nasaktan pa yung ibang mahal nyo. Nothing changed. Ganon parin ang sitwasyon nyo, it will goes on and on.
By the way tao tayo at wala tayo sa kahit saang kwentong napapanood o nababasa. Wala tayong karapatang humiling ng happily ever after kung hindi ka nagsimula sa 'once upon a time'.
Kaya sa mga secret lovers out there na di pa rin bumibitaw sana alam nyo yung place nyo sa mundong ito. Hindi nyo deserve ang mahalin ng patago.You deserve something special. I'm not ruining your moments on your partner okay? I'm just a reminder. I'm not pressuring any of you to cut the commitment lalo na kung masaya pa kayo pero sana pag may nasasaktan ng iba eh tigil na. Nasa huli ang pagsisisi, wala sa una wala sa ginta. Sa huli.

#KnowYourLimits

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thought Collection Where stories live. Discover now