#StrictParents?

3 0 0
                                    

Huwag mong kwestyunin ang pagiging magulang ng mga magulang mo sa'yo kasi hindi mo alam kung ano yung mga nilagpasan nilang pagsubok para lang maging sapat sa atin na mga anak.
I've been through that situation. Yung tipong akala mo pinagkakaitan ka ng pagkakataong mag explore kasi they always want you to be home on time. Yung naiinggit ka sa mga kababata mo kasi nagagawa nila yung mga gusto nilang gawin samantalang ikaw on the other side, school - bahay lang.
They also mess around when you have to choose on something. They even want you to follow what they want ALL THE TIME.
Pero ano bang magagawa mo? Anak ka lang at hindi mo kaylanman mararanasan yung nararamdaman nila not until you wear the same shoes.
Oo! Mga pakialamera talaga sila kasi mismong kursong kukunin mo sa college sila pa ang mamimili. Madalas pang sabihin sa'yo na...
"Praktikal ka dapat anak! Pasalamat nga kayo sa panahon ngayon sinusuportahan kayo ng mga magulang nyo sa pag-aaral nyo. Naku! Nung panahon namin sariling kayod! Wala silang paki kung mag-aaral ka o hindi."
Yan ang say ni nanay. She's pushing you to be more practical in life. Yung mga tatay naman natin sa pambabakod madalas lumabas. Natatakot kang magka-boyfriend kasi si tatay ang sama ng tingin kapag may nakitang manliligaw mo. Yung thrill ng galit nya abot hanggang bone marrow! Matindi si tatay! Sasabihin pa sa'yo na....
"Ikaw kabata bata mo pa kung ano na inatupag mo. Mag-aral ka muna. Ikaw! (Pointing on your manliligaw) Huwag na huwag mo na ulit guguluhin ang anak ko ha! Magtatapos pa yan. Umuwi ka na sa inyo!"
Pero most commonly tingin lang ni tatay tiklop kana. Parang pagbuka palang ng bibig nya batas na na dapat sundin.
Umiyak na'ko ng dahil sa pagiging strict at pangingialam nila. Nagdrama na ako ng maraming beses sa mga kaybigan ko tungkol sa parents ko. But in the end magulang ko parin sila. Ayaw lang naman nilang maranasan natin yung mga naranasan nila. Tumawa ka nalang kapag inis na sila kasi ang cute kaya nila pag galit. Hindi yung pinagalitan kalang magre-rebelde kana. Naku! Sinasabi ko sa'yo baka mapasubo kalang. Kaya ako ang natutunan ko sa parenting style nila ay likas naman pala talagang ganun ka protective ang mga magulang kasi mahal nila tayo. Yung paguutos nila satin sa mga gawaing bahay ay paghahanda lang pala para sa kinabukasan natin. Yung pangingialam at pagiging strict ni nanay at tatay sa kurso at manliligaw natin para lang din naman pala sa kapakanan natin. In the end hindi naman kasi sila bumabata pa at kaylangan nila tayong sanayin na harapin ang mga pagsubok ng matatag kahit mawala na sila.
Dun mo masasabi na everything little they did has its own purpose. At kahit baliktarin mo man ang mundo wala kang mahahanap na pagmamahal at aruga na katulad ng ipinaranas ng magulang natin sa ating mga anak.
Tandaan mo, pag nawala yang mga pangaral nila mami-miss mo rin yan. Yung tatalakan ka now friends na ulit kayo later. Yung uutusan kang bumili ng ulam kahit tinamad ka. Yung gigising sa'yo sa umaga at sesermon pag almusal dahil sa kakuparan mo kasi male-late kana. Yung ka-jamming mo sa kantahan kahit mga sintunado. Yung manonood ng t.v. at pamamasyal ng magkakasama. Yung sasaluhan ka sa tawa kapag may nakakatawa. Yung ia-uplift yung mood mo kahit ang lungkot lungkot na. Yung magpapaalala sayong maligo araw-araw. Basta yung lahat lahat ng bagay na madalas nyong gawin kasama sila. Mahirap talagang makahanap ng katulad nila kaya habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat matuto ka rin sanang mahalin at pahalagahan sila.

#LoveThemInstead

Thought Collection Where stories live. Discover now