Naglalakad sa dalampasigan
Tahimik, habang hawak ang aking kamay.
Walang malay hanggang kailan
Masasayang araw, pagmamahalang tunay.
Huminto ka at bumitaw
Dahan-dahang naglakad papalayo.
Hindi ako gumalaw
Pinagmasdan ka sa malayo.
Tinanaw ko ang dagat
Taimtim na nanalangin
Makasama ka lamang ay sapat
Binulong ito sa hangin
Pag lingon ko'y anong galak
Simpleng kaligayahan iyong pinitas
Hawak mo ang mga bulaklak
Kasing kulay ng pag-ibig na wagas
Mga katagang iyong sinambit
"Di man ito ang paborito mo,
Pinag hirapan ko tong makamit"
Puso'y nasungkit ng mga salitang maamo.
Ngayon, nakaipit na lamang
Mga bulaklak sa libro
Wala nang pakinabang
Patay na at tuyo
Tulad ng pag-ibig mong
Patay na ang kulay
Puso ko'y nakulong
Sa librong ibabaon sa hukay
BINABASA MO ANG
Titik: Tula Patungo sa Bagong Simula
ПоэзияTitik. Nag-iisa at walang halaga. Pag pinag sama-sama, ay nagiging salita. Salita. Mga titik na nabigyan ng panibagong buhay. Pag-pinag sama-sama ay nagiging makulay. Kaya't handog ko ang mga titik na ito. Tulad ng puso kong nag-iisa nang iwan mo Wa...