Kabanata 4
Number 1 fan
Ng mabuo ulit ang bandang Tribes ay mas lalo itong sumikat sa aming campus. At malapit na rin sila magkaalbum ulit. masaya ako para sa kanya dahil matutupad na ang pangarap nyang sumikat sa larangan ng pagkanta.Si Kenzo marami na syang fans club peo syempre ako parin ang number 1 fan nya. ^ _ ^¥
Pero minsan nalulungkot ako, di na man sa to the highest level na lungkot, kasi itong mga nakaraang isang linggo hindi ko na masyadong nakakasama sya dahil sa busy sila sa kanilang practice.
kahit na naiintindihan ko yun di ko parin maiwasan na maisip na paano kung tuluyan na syang sumikat at mawalan na lang ako ng puwang sa buhay niya? Na pailing ako sa naisip ko at sabay tap ng noo ko.hay! Anu ba tong naiisip ko dapat di ako mag-isip ng ganun
dahil alam ko di magagawa ni Kenzo yun. Dapat di ako mag-isip ng ganun dahil ang kailangan nya ay ang suporta ko bilang girlfriend nya.
Napatigil ako sa pag-iisip ko ng kung anu-anu ng may umupo sa harapan upuan ko. Andito kasi ako sa may cafeteria hinihintay ang dalawa kong kaibigan na sina Lauren at Shaira na mukhang di na darating.Baka nag-bangayan na naman.
"Pwedeng maki-table? Wala ka namn kasama e." sabi ng lalaking umupo sa harapan ko.
Nagulat ako ng bigla ko nalang nakilala ang lalaking umupo sa harapan ko. "Brandon?" Medjo pasigaw kong sabi.
"Yeah! Hello, Long time no see, nakikilala mo pa pala ako" Aniya na nakangiti.
"Syempre naman, " bahagya akong ngumiti .
Si Brandon ang isa sa kilalang playboy ng campus. Nalilink na sya sa akin simula pa nung grade 9 palang kami, On and off sya manligaw sa akin nun pero ang panliligaw nya nauwi sa pagiging friends lang,dahil kahit anung gwapo nya hindi ako nagkagusto man lang sa kanya, dahil nun pa lang isa lang ang gusto ko at mahal ko na ngayon at yun ay si kenzo lang. Simula nung sinabi ni kenzo na layuan ko na si Brandon ay ni layuan ko na talaga at ngayon lang ulit nagcross ang landas namin.
"Akala ko kinalimutan mo na ang gwapo kong mukha" sabay tawa nya.
"Tss, wala parin pinagbago yabang parin." At nakitawa na rin ako sa kanya.
"Na miss ko ang tawa mong yan, sarap sa pandinig."
"Abah! Bagong diskarte mo yan? Sa iba mo nalang i-apply, I'm taken."kinindatan ko sya at ngumisi.
Tumawa ng malakas si Brandon."tsk,yabang din! di ako nagdidiskarte,Alam kong patay na patay ka sa bokalista mong boyfriend kaya di na ako aapila."
"Palusot ka pa,bleeh." sabay labas ko ng dila ko.
Bigla nalang nya ginulo ang buhok ko."feeling mo talaga! Hoy di na kita type."sabay kami tumawa.
Sa pagtawa namin may bigla nalang humablot sakin patayo.napatayo din si Brandon. Pagtingin ko sa taong yun nanlaki ang mata ko ng makita ko ang galit na mukha ni Kenzo. Mahigpit nyang hinahawakan ang braso ko.
"Kenzo ang higpit ng hawak mo sakin nasasaktan ako."
Di parin nya binibitiwan ang braso ko at galit na galit parin ang mukha nyang nakatitig sa akin.
"Dude di mo ba sya narinig nasasaktan na sya sa higpit ng hawak mo sa kan-"
Di na nya pinatapos magsalita si Brandon dahil agad nya tong inambahan ng suntok sa mukha.
Nagulat ako sa ginawa nya. Dumugo ang gilid ng labi ni Brandon dahil sa suntok nya.
Napahawak ito sa dumudugo sa gilid ng labi nya. "What the!!! Anu bang problema mo ah?!!!!" Galit na sigaw ni Brandon kay Kenzo.